Chapter 33

875 49 8
                                    

Olivia Morgan

"Sino ba 'yang ka text mo? May bagong babae ka na naman ba?"

Mabilis kong pinatay ang cellphone nang sumilip si Luigi at halos ibudbod na ang ulo niya sa harap ko. Inis kong nilayo ang hawak at parang loko loko siyang tumawa sa akin. Nakaupo kami ngayon sa park bench dahil walang klase.

"Shoo, alis ka nga," I barked.

"i reto mo nga ako, Oli. Pahingi naman ng mga chix,"

My eyebrows knitted because of his request. He's never asked me for side chicks before. Not that I have a lot. Or any. Wala akong chix no. At hindi ako babaero/a. Si Montemayor lang ang ka chat ko.

Nanibago ako sa sinabi ni Luigi. Kase hindi naman siya nagpapareto noon. Parang suplado lang ang mukha nitong si Ramon, but he's loyal as a dog. 

"Gago, sumbong kita kay Thea," I chuckled, thinking he was joking.

"We broke up,"

Kumunot ng tuluyan ang ekspresyon sa mukha ko. Halos dumugtong ang kilay ko sa taka. He's joking, right?

"I'm serious, Olivia. Wala na kami," He repeated. At napasandal sa upuan. Nabasa niya siguro ang mukha ko. Am I really that readable?

"Kelan lang?"

"Isang linggo na rin ang lumipas,"

Last week? That was the time I saw Thea with Janna's family. Mukha naman siyang masaya kasama sina Janna. Though she didn't really look friendly towards Melanie and me. Which pissed me off, sa totoo lang. Pero wala naman akong nakitang senyales na heart broken pala siya. I wonder why Janna never mentioned anything.

Frankly, I don't know how to react. May katagalan na pala nang maghiwalay sila. Hindi rin kase talaga ako marunong mag comfort. Siguro ililibre ko nalang ng alak si Luigi.

"Sinabi mo na ba kina Allan? Inom tayo, gusto mo?" Usisa ko.

Ngumiti si Luigi at kinalat ang buhok ko. His smile looks forced, "Uminom na kami. Pero di ko sinabing dahil naghiwalay kami ni Thea," He spread his arms on the seat, "Umaasa pa kase ako na magbabalikan pa kami, na baka maayos pa namin,"

"Ano ba'ng dahilan?"

"Pagod na raw siya. Wala na rawng spark," He shrugged.

"Kung umaasa ka pa palang magkakabalikan kayo, e ba't ka pa magpapahanap ng iba?"

Napaisip si Luigi sa tanong ko, "Honestly, parang wala na kase talagang pag asa,"

"Pa kuryente mo kung wala na palang spark," I tried to joke to lighten the mood. Pero walang gana lang na ngumisi si Luigi at binalewala ito.

"Wag mo munang sabihin kina Allan ah," Tinaas niya ang mga braso niya na parang nag s-stretching bago tuluyang tumayo, "Although that wouldn't be a problem," Nagawa niya pa'ng magbiro at iniwan na'ko.

Is he serious? Marami na silang pinagdaanan ni Thea. Not long they've celebrated their 4th year. They've been through a lot of obstacles together. At napapansin ko na palagi itong ginagawan ng paraan ni Luigi upang magkabati sila. He does everything he can to please and make it up to her. Sigurado ako dito dahil palagi siyang humingi ng advice at nagpapatulong pa sa amin. I've never even seen him look at another girl for more than a second if it isn't his girlfriend.

He loves her. He truly does. I've always noticed it even before. Malalim ang tingin ni Luigi kay Thea. Hindi nga lang ako sigurado kung gano'n din ba si Thea sa kaniya. She's always been a bitch. But a different type of bitch from Montemayor. Kung pranka at straight forward si Melanie, si Thea Madrigal yung tipo ng kaibigan mong napakaplastik at i b-backstab ka ng di mo namamalayan.

Stupid In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon