Olivia Morgan
"Shots! Shots! Shots!"
Akala ko nakatakas na ako mula sa ingay ng mga tao kanina roon sa soccer field pero mali ako, dahil mukhang inimbita ni Allan lahat ng tao kanina dito sa bahay ng lolo niya.
Pumayag kase ito na mag-celebrate siya ng party sa bahay, if ever he won. And he did, so here we are. I'm not even surprised that he won pero sana naman bukas nalang ng umaga sila magfiesta. Aren't they tired? Galing sila nagtatakbo roon sa labas tas ngayon mag iinom agad sila.
Whatever. I should just be thankful for the free drinks.
It's currently 11:39p.m now, Friday. Matapos kong ihatid si August sa apartamento niya ay dito ka agad ako dumiretso. I'd be lying if I said I didn't enjoy her company. Akala ko talaga noon ma-attitude at maypagka-oa si August, pero mali ako because she's really nice and down to earth.
I just couldn't stop myself from comparing her to a certain bitch though.
Iimbitahin ko sana si August dito ngunit umayaw siya't sinabing marami pa raw siyang gagawin. I respected it and left her alone for the night.
So here I am, alone with a bunch of strangers and a bottle of beer in my hand.
"Tsk. Tsk. Party na party nakasimangot ka? Uminom ka pa!"
Nakasandal lang ako dito sa may kusina nang biglang inakbayan ako ni Luigi at pilit na pinapasa sa akin ang baso niya. He reeked of alcohol so much. Maaga pa pero lasing na lasing na siya.
"Mag m-motorsiklo pa ako, Lui. 'Di ako pwedeng malasing," I slowly pushed the glass away from me.
Wow. I feel proud of myself. First time ko 'tong tumanggi ng alak. Matapang na alak, I mean.
Halos 'di na mabalanse ni Luigi ang katawan niya at muntikang matumba nang itulak ko palayo ang kaniyang kamay. But he only laughed it off, at inubos pa ang laman ng hawak na baso.
"KJ mo,"
"Nasaan ba si Thea? She should be taking care of you," Saway ko. Napatingin ako sa mga taong nakapaligid sa amin pero 'di ko mahanap hanap ang jowa ng lalakeng 'to.
"Sus. Ewan ko ba do'n. Ang raming kaartehan"
I totally agree with that Lui. Pero 'di ko nalang sasabihin dahil baka mag away ulit tayo.
Kinawayan na ako ni Luigi bago naglakad palayo, mukhang kukuha pa siya ulit ng maiinom. May pinagdadaanan siguro sila ni Thea? Ewan. They've been together for almost 4 years now. Maliit na bagay lang siguro ang pinag-awayan nila.
I groaned because of how boring this whole thing is. I don't know almost half of the people, here kase sa tingin ko taga ibang uni sila. And I'm not interested in making new friends tonight. To be honest, I think I enjoyed Augustine's company more than being here.
After inwardly complaining to myself, ay nakapagpasya na rin ako. I'm going home early tonight.
Inubos ko muna ang bote ng Heineken at itinabi ito bago hinanap si Allan para makapag paalam. I first checked the kitchen, the living room, at ang iilang kwarto dito sa first floor, pati na rin ang banyo pero 'di ko talaga siya mahanap.
Maybe he's at the second floor getting laid? Eww. I don't wanna see that.
Lumabas ako sa bahay at nagbakasakaling andito lang pala siya ngunit bigo pa rin ako kaya bumalik nalang ako sa loob. I also tried asking a bunch of people pero wala rin silang maisagot sa akin.
Where the hell is that guy.
Itetext ko nalang siguro siya na mauuna na ako or maybe kay Robbie o kay Janna nalang ako magpapaalam. If they're still sober, that is.
BINABASA MO ANG
Stupid In Love
Teen FictionAfter her best friend's heartbreak, Olivia Morgan swears to seek revenge by giving the top student, Melanie Montemayor, a taste of her own medicine. Date Started: 07/28/20 Ended: Taglish