Chapter 30

841 60 11
                                    

Olivia Morgan

Janna opened the glass door for both of us nang pumasok kami sa cafeteria. Nakita ko kaseng patungo siya rito ng nag iisa kaya niyaya kong sabay nalang kami at ililibre ko siya. Janna accepted, but I was worried when she didn't smile as wide as she used to. Tahimik lang siyang sumang-ayon at sumama sakin.

"Bilhan kita Pancake Waffle, Jan. Paborito mo 'yon diba?" Ani ko at hinintay ang reaksyon niya.

But Janna only nodded quietly. Noon naman malaki ang ngiti niya pag bumibili kami ng Pancake Waffle, lalo na pag nililibre ko siya. But this time, she was oddly quiet.

Sinabihan ko siya na mauna nang umupo at hinatayin nalang ako at 'yon nga ang ginawa niya.

I stood on my line worriedly. Ba't parang ang awkward namin sa isa't isa? O ako lang ba nakakaramdam non. Nasanay kase akong maingay at masigla si Janna, kaya naninibago akong wala siyang imik ngayon.

Maybe she's mad at me. I don't know. I can't read her expression.

Nang makuha ko na ang order at naupo, tsaka ko sinabi kay Janna ang kanina pa iniisip.

"Jan, I'm sorry for ignoring your texts and calls the other day,"

"Hm? Kailan?" She raised me a brow.

"No'ng Halloween Party," Sagot ko.

I don't know if she really doesn't remember or she's just spiteful. But I don't believe Janna's that kind of a person, honestly.

"Oh, okay," Kibit balikat niyang sagot, "Okay lang. 'Di rin naman ako nagtagal do'n,"

I slowly nodded as I studied her. Nakalugay ang mahabang buhok ni Janna ngayon, 'di gaya noon na laging naka tali. She's also not wearing make up, which is quite unusual.

"Are you alright, Jan?" Tanong ko at tinigilan siya sa paglalaro sa pagkain. She hasn't taken a bite at all.

"Oo naman," She tried to lift her expression, pero kitang kita ko parin ang lungkot sa mga mata niya, "Everything's fine. Iniisip ko lang ang midterms,"

"Sigurado ka? Andito lang naman ako kung may problema ka," I suggested as I squeezed her hand lightly. "I can tutor you again if you like," suhestiyon ko.

Janna and I met on sophomore year, dahil matalik silang magkaibigan ni Robbie. She was always jolly and her personality over all is happy go lucky. Kadalasang bibo si Janna kaya alam kong may mali ngayong baliktad ang asal niya.

"Wag na," Munting ngiti niya, "At sigurado ako, Olivia. Ikaw nga alam kong may problema kay Allan e,"

"Nagkatampuhan lang. It's not a big deal," I shrugged.

"Not a big deal? Isang buwan na kayong 'di naguusap,"

Napakamot ako sa batok sa tugon ni Janna. It has been a month since we've talked. Pero hanggang ngayon 'di ko pa rin alam anong sasabihin kay Allan. 'Di ko alam ang irarason. Natatakot akong makipag usap sa kaniya dahil alam kong kailangan kong sabihin ang totoo.

And truthfully, I don't know the truth.

Ayoko muna siyang kausapin hanggang 'di pa kami naguusap ni Montemayor. I want to clarify things with her first, before fixing things with Allan. Pero dahil ayaw rin akong kausapin ni Melanie, ay iba nalang muna ang aayusin ko.

"Alam ko ring may problema kayo ni Robbie, Olivia," Dagdag pa ni Janna na nakakuha ng atensyon ko.

Buntong hininga lang ang naisagot ko sa kaniya. And I'm glad she didn't pry any longer. And then I realized she just diverted the topic to me. Pero naiintindihan ko siya. Just like me, she probably doesn't want to talk about problems either.

Stupid In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon