Chapter 18

967 74 11
                                    

Olivia Morgan


"Ang saya! Nakita niya ako! Kumaway siya saken!"

Allan squealed like a fangirl beside me. Tipid lang akong napangiti dahil sa kasiglaan niya kahit hating gabi na. I'm glad he's happy, that's all that matters.

The party died down 10 minutes ago. Mabuti nalang nahanap ko kaagad si Allan kase pagod na pagod na'ko ngayong araw. I just wanna crash on my bed and mourn.

"Grabe. Ang ganda talaga ng boses ni Elijah, tapos ang gwapo pa" He continued to swoon over his idol at ako nama'y tahimik lang na nakinig.

Kaunti pa akong napatawa dahil gusto ko siyang sawaying bakla kaso masyado na talaga akong pagod para magsalita. I was drunk as fuck an hour ago but... after... but I'm sober now.

Madilim ang nilakaran namin patungo sa sasakyan ni Allan. Iniwan ko kase ang motorsiklo sa bahay nila kaya sasabay ako ngayon patungo ro'n.

"Ikaw? Anong ganap?" He suddenly asked.

Nagkibit balikat lang ako. Ayokong magsalita. I feel heavy and tired.

Binuksan na ni Allan ang kotse niya at sabay kaming pumasok. I was putting on my seatbelt nang bigla niyang pigilan ang kamay ko.

"Okay ka lang, Oli?" Allan worriedly asked kaya mabilis akong napatango.

"Oo naman. M-Medjo masakit lang ang ulo ko" I faked a smile. Naramdaman ko pa'ng kumirot ang pisngi ko but I ignored it.

I don't know why but I suddenly feel like crying tonight. Parang ang bigat sa dibdib at 'di ko man lang alam kung bakit. Basta ang alam ko, masakit siya at sobrang bigat.

"Pulang pula ang mukha mo. Are you really alright?"

Allan leaned closer towards me. Hinawi niya ang kaunting hibla ng mga buhok ko at nang magtama ang mga mata namin, 'di ko na kinayanan.

I quickly felt the hot tears falling from my eyes. I clenched my teeth as I tried to stop them pero bigo ako. Masyado ng mabigat. Allan immediately pulled me closer for a hug. At wala na akong nagawa kundi ipatong ang ulo ko sa balikat niya at ibuhos lahat ang kalungkutan.

"A-Anong problema, Oli? May nanakit ba sayo? May nangyari ba'ng masama?"

Napailing lang ako sa tanong niya because I couldn't answer him. I don't know what happened either. Basta malungkot ako. I feel... betrayed and heart broken. Fuck.

I don't even know why I'm feeling this right now. Everything was okay a second ago tapos eto? Bakit?

Ano ba'ng ginawa ni Montemayor saken?

Somehow, it felt like all the world's against me. Is this karma? Is this guilt?

Naramdaman ko ang pagbuntong hininga ni Allan as he softly rubbed circles around my back. It somehow eased my pained.

"Gusto mo'ng tumambay muna sa bahay, Oli? Pagusapan natin kung anong bumabagabag sayo" He whispered soothingly. Napatungo nalang ako nang lalong bumuhos ang ulan sa mga mata ko.

I'm just glad he's here.

---


"Nababaliw ka na, Al" Mahina kong bulong at kaunti pa'ng napatawa. My voice is a little hoarse after all the crying that I regret. Medjo mahapdi rin ang mga mata ko.

Nakakahiya. Dapat pinigilan ko nalang kase ang sarili kanina. Now I feel ashamed.

Isisisi ko nalang ito sa alak at stress. That's it, it's all because I'm drunk.

Stupid In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon