LIFE SERIES#1 (COMPLETED)
Beatrice is seemingly trapped in an unending cycle of poverty. so chaotic that even she doesn't think that her life has a purpose.
A girl whose name means happiness has a chaotic life: will she be successful someday, be hap...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[ Kabanata 04 ]
"We all die that's the reality of our lfe, enjoy our lives."
Masarap ang naging tulog ko dahil sa ka una unahang pagkakataon ay walang ingay na naganap sa loob ng pamamahay namin.
Pag kauwi na pag kauwi ko kagabi ay lahat sila hinihintay ako para makasabay sa pagkain. Hindi ako nakakita nang pinapalo hindi ako nakarinig nang sinisigawan at umiiyak at mas lalong hindi rin ako nakadanas nang pananakit galing kay itay.
Araw ngayon ng lunes, at may pasok na naman ako, Pakiramdam ko napakagaan ng loob ko.
Naalala ko pa yung papel na binigay sa kin ni Miracle kagabi bago kami maghiwalay, naging emosyonal pa nga ang pag alis nya. Siguro nahawa ako sa iyak nya kaya ganon, Napaiyak din ako.
Akala nya siguro huli na yong pag kikita namin pero hindi nya alam, su surpresahin ko sya sa bahay nila mamaya pagkatapos ng klase.
"Amante 3, Villa Mañas 023 Subdivison." basa ko sa address nila.
Villa Mañas? Malapit to sa peryahan ah, yung subdivision don na puro mayayaman ang nakatira.
Naawa tuloy ako bigla sa kanya, dahil ang layo pa ulit ng nilakad nya para makauwi. kahit na alam nya na hindi na sana sya lalayo pa kung hindi na nyako hinatid.
Napalitan tuloy ng lungkot ang mukha ko nang ma realize na mayaman pala talaga sya. Hindi ko alam kung papapasukin ako sa tinitirahan nya, sana naman papasukin ako.
Masigla akong pumasok sa room namin, pinagtinginan pa ko ng iba dahil sumisilay sa mukha ko ang kasiyahan. Hindi tulad noon na halos nakayuko na ko kung pumasok para lang hindi nila mapansin.
"Masaya ka ata ngayon?" bulong sakin ni chrisha ang katabi ko sa upuan. Hindi ko to sinagot at nananatiling nakangiti habang hinihintay ang pag dating ng guro namin.
Ngayon araw kolang tinanggihan ang rekwes nila na ipagsulat ko sila ng mga pinapasulat samin. Ewan ko ba pero parang simula kahapon nabago ang takbo ng buhay ko. Binigyan din naman ako ni itay ng baon ngayon, sa kauna-unahang pag kakataon.
Nagulat pa ko ng abutan nya ko kanina pero tinaggap ko agad dahil kailangan ko din
Maraming nakapansin nang pagbabago ko pati ang mga guro namin dahil nga siguro guhit na guhit sa mukha ko ang pagkasaya. Excited lang ako na makita ulit si Mira.
Hindi na ko mapakali ng lumipas ang ilang oras at isang subject na lang ay uwian na. Masyado akong nagagalak na sorpresahin sya.
Matutuwa kaya sya? panigurado akong oo dahil sa tingin ko parehas naming natagpuan ang kahulugan ng pagkakaibigan sa isat isa.
"Anong meron ang saya mo ata?" pag tataray na tanong ni Daniella. Hindi ko sya pinansin tulad ng ginawa ko kay chrisha. Ayokong masira ang araw ko ngayon ng dahil lang sa kanya.
"May boyfriend na ata!" singit ng kasama nya. Gulat ko pang tinignan ang nag sabi non at napailing nalang.
Tignan mo nga naman ang mga tao ngayon, ngumiti kalang magiisip na agad ng kung ano ano.
Hindi ba pwedeng gusto kolang maging masaya?
"Tara na nga, syaka if ever na may bf yan asa pang totoo yon. baka pag laruan lang sya haha" dagdag ni daniella bago umalis.
Wala naman pati sa bokubularyo ko ang mag ka asawa at anak. Sino ba ang nag kalat na gusto ko?
Dali dali akong tumakbo palabas ng marinig ang tunog ng bell hudyat na tapos na ang klase sa araw na ito.
Hintayin mo ko Mira dahil sa oras nato magkikita na ulit tayo!
Dumaan pa ko sa bilihan ng mga tsokolate para may pag sasaluhan kami mamaya, sinadya kong hindi gumastos kanina sa recess para naman ako ang manlilibre sa kanya. Pang bawi na rin sa libre nya sakin kagabi at pag sagip sa buhay ko.
Kinuha ko na sa bag ko ang papel na binigay nya na laman ang address nya.
"Saan ka pupunta?" harang sakin ng guard. kamot ulo akong tumingin sa kanya at binigay ang papel na adress ni Mira.
"Ahh, sige pumasok kana!" masaya ako dahil nakapasok agad ako nang ganon ganon lang, Buong akala ko pa naman ay mahihirapan akong pumasok dahil sa itsura ko.
Naka uniform lang ako pang pasok pero malinis naman ako tignan.
Natagalan pa ko bago mahanap ang bahay nila Mira. hindi pa ko makapaniwala ng mahanap ko iyon.
Tinignan kopa pa balik balik ang nakasulat sa papel para masigurong nasa tamang lugar ako.
Ang ganda... walang sinabi ang bahay namin. parang ang sukat at lawak ng bahay namin ay banyo lang nila.
Sa laki ng bahay nila paniguradong napakaganda nito sa loob.
Masaya akong pumindot sa doorbell nila at maya maya ay may lumabas na babaeng napakaganda.
Nanay ba sya ni Mira? siguro oo dahil mag kamukha sila at mag kasing ganda.
Matanda man sya tignan pero kitang kita ang kakaibang awra sa mukha niya.
"Yes?" bungad sa kin nito.. kinabahan pako dahil mukha syang masungit.
"Ako po si beatrice." pagpapakilala ko.
"Okay, Hi beatrice anong sadya mo?"malambing ang boses nito na namana sa kanya ni Mira.
"Nandyan po ba si Mira?" nakangiti kong tanong. kita ko pang nag bago ang pustura ng mukha nito dahil napalitan ang kanina nyang nakangiting mukha ng may bahid ng lungkot at namumugtong luha sa mata.
"What.. are you talk-ing.. about? matagal ng patay ang anak ko!."