[ Kabanata 07 ]
'Stop talking about your problems and start thinking about solutions'
Galing man sa masakit na pangyayari. minabuti ko parin ang maka pag aral.
Dahil ito lang ang tutulong sakin para makaahon kami sa buhay. Nakakasiguro rin ako na ito ang susuporta sakin para suportahan ang mga kapatid ko.
May bahid man ng luha ang aking mga mata pinilit ko parin na bumangon ng maaga para pumasok sa eskwelahan, wala man si itay kaya ko parin ipagpatuloy ang aking buhay. Para narin sakin at sa mga kapatid ko.
Kailangan nila 'ko, lalo na ngayon na ganito na ang sitwasyon namin.
Napangisi tuloy ako ng bumaling na naman sakin ang sakit na naranasan ko.
Ang gulo't lungkot na nga ng buhay namin mas lalo pang nadagdagan. Ganito ba talaga ang buhay? hindi naman ganto ang buhay ng iba ah. O baka samin lang talaga.
Sa lahat ng tao sa mundo bakit kailangan kami pa? Bakit kailangan kami pa ang dumanas nito.
May ginawa ba kaming masama? Kung tutuusin mas masama pa ang ginagawa ng iba kesa sa ginagawa namin.
Mabait naman kami, pero bakit nasa ganitong sitwasyon kami?
Natahimik ang lahat nang pumasok ako sa aming silid. Nabalitaan siguro nila ang pagkamatay ni itay.
Nakakatakot...
Yukong-yuko ang aking ulo habang tinatahak ang direksyon ng upuan ko. At ng marating na ito napabuntong hininga pa kong umupo sa upuan ko at sinadyang maharang pumasok sa aming silid.
Hindi ko alam kung mahihiya ba ko o ano ang mararamdaman ko. Pero wala e, Buhay ko to. kailangan kong ayusin para sa kinabukasan ko.
Ayoko sanang pumasok ngayon dahil alam kong ako ang magiging puno ng tsismisan dito. Pero hindi e, kailangan ko silang iwasan at hindi pakinggan para sa pangarap ko. Para narin sa mga kapatid ko.
Pansin ko ang katahimikan ng aming room.
Asan na sila? hindi paba nila ako kukutyain? naghihintay ako. Handa narin ako..
Kahit anong asar tatanggapin ko.
Dahan dahan kong nilingon ang ulo ko at nakita ko sa kanilang mga mata ang labis na pagkalungkot.
Anong meron? pinagtitripan ba nila ako? Pero ayos lang, sanay narin naman ako.
Yumuko nalang ako para hantayin ang aming guro.
Ang tagal naman? mahigit kalahating oras na kong nakayuko pero parang wala namang pumapasok.Walang bang klase ngayon? napatingin pa ko sa aking kalendaryo upang tignan kung anong petsa ngayon.
Oh? lunes ngayon ah. anong meron? bakit walang nagtuturo.
"Psst, walang teacher?" mahina kong tanong sa katabi ko. Mahinhin na tumungo ito sakin kaya napairap ako.
Sayang naman yung oras na pinasok ko. Dapat pala nag sideline nalang ako para may kakainin kami mamaya.
Akmang kukunin kona ang bag ko para umuwi ng tumayo si Daniella.
"Beatrice!" napalingon naman agad ako dito nang tawagin ako.
" S- san ka pupunta?" alinlangan pa nitong tanong. Napatingin pako sa kanya ng mabuti dahil bakit parang nahihiya sya? Makapal kaya ang mukha nya.
Hindi ko nalang sya kinibuan at nag patuloy sa paglalakad. Lahat sila ay nag si tayu-an din para sundan ako.
Tama nga ang hinala ko, pinagtitripan na naman nila ako.
"Tigilan nyo na k-" sumigaw ako sa ginagawa nilang pagsunod sakin. pero mas lalong napukaw ng atensyon ko ang mga itsura nila.
Bakit ganyan ang mga mukha nila? ang lulungkot.
"Anong meron? bakit naka simangot kayong lahat?" naglakas loob akong nag salita sa kanila.
"Diba dapat masaya kayo dahil may panibago na naman kayong ibabatong asar sakin? Nag iba ata ang ihip ng hangin at natauhan kayo." mahinahon kong dagdag.
May ilan pang nag sipag iyakan at lumapit sakin para yakapin ako.
"Condolences, Beatrice" lahat sila ay isa isa akong niyakap na kinagulat ko.
Hindi ko na pigilan ang mga luha ko kaya mabilis na dumaloy ito sa pisngi ko.
"Sa-salamat" yon nalang ang nasabi ko sa kanilang lahat.
Nag sorry sila sa mga pinaggagawa nila sakin. pero sinabi ko na ayos lang yon dahil hindi ko naman dinadamdam.
Sa totoo lang nilalabas taenga ko ang mga sinasabi nilang masasama noon kahit na masasakit ang mga yon.
"Hoy beatrice!"pasigaw na tawag sakin ni Daniella.
"Sorry!" agad akong niyakap nito nang mahigpit kaya naging emosyonal ako.
Daniella....
Masakit man ang mga sinabi nya sakin noon, pero wala akong nagawa. Hindi ko sya masumbatan hindi ko sya kayang awayin at saktan.
Hindi ko alam pero kusang yumapos ang dalawa kong kamay sa kanya.
Doon ko lang napagtanto na niyakap ko sya pabalik.
Yung sorry mo yung matagal ko ng hinihintay. Dahil alam kong nagagawa mo lang akong saktan sa harap ng maraming tao, Dahil natatakot kang gawin nila sayo yung ginagawa nila sakin.
Ako na ang unang bumitaw sa pagyayakapan namin. Hindi dapat matapos ang araw ko na malungkot ako.
Lord, pwede bang kahit ngayon maging masaya muna ko? Kahit ngayon lang. Miracle, Itay pakibulong naman kay lord.
Dahil sa totoo lang, Gusto kong maging masaya yung masayang walang kapalit.
Hindi nagtatapos ang pangarap ko, Dahil sa ngayon? Nag sisumula palang ito.
Alam kong pag subok lang ito, At naniniwala akong walang pag subok ang hindi nalalagpasan.
Hindi ko man agad ito malagapasan pero nakatitiyak ako na pag bangod ko sa umaga. Magugulat nalang ako na wala na kong problema at sa araw na yon. Ayon ang araw na pinakahihintay ko.
Ang araw na tatawana ko na lahat ng problemang papasok sa buhay ko.
Mas pipiliin ko na lang tumawa kesa damhin ang lungkot ng problema.
*****************
#cheessymossato be continued....
BINABASA MO ANG
Chaotic Life
Roman pour AdolescentsLIFE SERIES#1 (COMPLETED) Beatrice is seemingly trapped in an unending cycle of poverty. so chaotic that even she doesn't think that her life has a purpose. A girl whose name means happiness has a chaotic life: will she be successful someday, be hap...