CHAPTER 06.

127 77 13
                                    

[ Kabanata 06 ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ Kabanata 06 ]

" Everyone has untold stories of pain and sadness that make them love and live a little differently than you do. Stop judging, Instead try to understand.'

"Beatrice..." umiiyak na bungad sakin ni Mama, Agad ako nitong niyakap ng mahigpit.

"Ano... anong nangyari Ma?" yun nalang ang lumabas sa bibig ko bago mag pabalik balik kay mama at itay ang mga mata ko.

"Ang itay mo.." umiiyak na sabi nito.

natulala ako at parang na blanko, anong nangyayari sa buhay ko bakit naman ganito? jusko, Itay!

Bakas sa mukha ni itay ang pagkalungkot at pagkabigla sa nangyayari. Bakit naman kailangan umabot sa ganito? hindi ko kayang makita syang naka higa lang ng ganyan sa harap ko..

Habang umiingay ang paligid parang nandidilim naman ang paningin ko. Bakit naman ganito?

bakit...

"Anak, patawarin mo sana ang Itay." biglang may liwanag na lumabas sa pintuan at andon si itay, Buhay na buhay na nakatayo at nakangiti pa to habang tumutulo ang mga luha sa pisngi.

Tatakbo sana ako para yakapin sya ng mahigpit kaso sinenyasan ako nito na huwag akong lumapit.

"Patawadin mo si itay kung hindi ko kayo nabigyan ng magandang buhay." umiiyak na sabi nito. bakit ba sya ganyan? kahit hindi maganda ang buhay namin hindi naman ako nag tanim ng sama ng loob sa kanya at hindi ako kailan man nagalit sa kanya dahil lang magulo ang buhay namin.

" Araw araw kong sinisisi ang sarili ko dahil sa nangyari sa atin, Ako lahat ang may kasalanan nito. Hindi ko natupad ang pangako namin sa isat isa ng Mama mo, Sinubukan ko naman na gawin ang lahat pero hindi anak e, Parang ang landas ang sumusubok sa buhay na tin kaya nanatili tayong ganito. " Napaiyak ako sa sinasabi niya.

"Patawadin mo si itay sa ginawa ko sayo, sa mga kapatid mo." unti unti akong natauhan sa ginagawa ni itay. hindii.. hindi to totoo, hindi pa... hinde pwede!

"Patawadin mo ko anak, mahalin mo ang mga kapatid mo at alagaan mo sila ng mabuti" Anak? tama ba ang narinig ko.. ngayon kolang to narinig mula sa kanya.

Itay...

Lumiwanag pa ng sobra hanggang sa hindi na ko makakita pa at tuluyan nang nawala si itay sa paningin ko.

Hindi to totoo hindi to pwede hindi ka pa patay itay...

Naramdaman ko ang malamig na tubig sa noo ko kaya nagising ako.

Masakit man pero minulat ko ang mga mata ko na may bahid ng luha sa mga mata at unti unting nilibot ang paligid.

"Ayos ka lang ba anak?" tanong sakin ni Mama, Marahan akong tumungo sa kanya kahit na ang totoo ay hindi ako ayos. hindi kona gusto ang nangyayari sa buhay ko.

Bakit naman ganito? sumaya lang ako ng isang beses ang dami ng nawala sa buhay ko. bawal ba kong sumaya? kahit saglit lang...

"Magpahinga kana, ako na ang bahala sa mga bisita" tumayo na si mama para asikasuhin ang mga bisita sa burol ni itay.

Ang kwento sakin ni Mama ay habang hinahantay nila ako para sana sabay sabay kumain ay may mga armadong nag si pag pasukan samin at agad na binaril si itay.

Mabuti na ngalang daw sila lang ni itay ang nasa sala dahil kung nasa sala pati ang mga kapatid ko ay baka hindi lang si itay ang tamaan ng baril.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari, Una si Mira tapos ngayon si itay sino naman ang susunod?

Naayos na agad ang burol ni itay at narinig ko sa usap usapan habang nasa kwarto ako na dalawang araw lang ibuburol si itay sa kadahilanan na wala kaming pera para tumagal ang burol.

Ang sakit. Sobrang sakit.... nakakapanghina, Kung ganito lang naman ang mangayayari matapos kong sumaya mas pipiliin ko nalang maging malungkot habang buhay.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Miracle na ang ibig sabihin ng pangalan ko ay.

Happiness..

Malaking kalokohan, ba ka kabaliktaran ang ibig sabihin nito.

Hindi na kilanlan ang bumaril kay itay dahil usap usapan na may atraso raw si itay na ginawa kaya binalikan sya ng mga to. Kung ano mang atraso yung ginawa ni itay. hindi tama ang ginawa nila.

Pagbabayarin ko sila sa ginawa nila sa itay ko. Wala silang karapatan para tanggalin ang buhay ni itay. Dadating din ang araw na luluhod sila sa harapan ko at magmamakaawa sa awa ko.

Walang alinlangan akong tumayo at inasikaso ang mga bisiita. Hindi pwedeng hihiga higa lang ako dito. kailangan kong kumilos.

Ngayong wala na si itay, Bilang panganay ako na ang mag sisilbing ama sa mga kapatid ko. Hindi ko hahayaan na magiging magulo pa ang buhay nila, namin.

Maraming nagulat sa paglabas ko hindi ko sila pinansin at nag pokus sa pag asikaso sa kanila. Maraming dumalo. natutuwa nga ko dahil mayroon din mga nag abot tulong sa pamilya ko.

Pilit kong nilalalabanan ang pagiging emosyonal ko dahil bakit ngayon lang? bakit ngayon lang nila naramdaman na kailangan namin ng tulong!

Lumipas ang ilang araw at ngayon na ang araw na huling beses naming makikita si itay.

Para akong pinapatay sa iyak ng mga kapatid ko... sobrang sakit. Oo, nasasaktan sila ni itay pero iba na ang pakiramdam ng mawalan ng tatay. mas masakit siguro para sa kanila yon.

Kinontrol ko ang sarili ko na hindi umiyak para sa mga kapatid ko. Ayoko nang dumagdag sa isipin nila at ayoko rin makita nila na mahina ako.

Kailangan nilang makitang malakas ako. kailangan kong maging malakas para sa kanila.

"Ate san ka pupunta..." umiiyak na sabi ni buboy.. Matapos mapansin na paalis ako.

"Wa..laa jan lang mag baban-,yo..." basag na ang boses ko dahil hindi ko mapanghawakan ang mga salita ko. Hindi ko kaya, hindi ko pala kayang...

Hindi umiyak...

"Itay...!" mahinang daing ko pagkapasok na pagkapasok sa banyo.

Pano na to...kaya ko ba?

Masakit man isipin na wala na talaga si itay, at kahit nanghihina ay lumabas ako para harapin ang reyalidad. Reyalidad na puro delubyo ang dulot sa buhay ko, namin...

Matapos malibing ni itay ay halata parin ang pagdadalamhati ng pamilya ko. Masakit yon para samin kahit ganon ang trato ni itay.

Tanggap ko naman na pahiram lang si itay ng may kapal, ang hindi ko tanggap kung paano sya kinuha....

Wala ng mas sasakit pa sa taong mamatayan ng minamahal. Mahirap man harapin pero ito ang tunay, parte ito ng ating buhay ang

mamatay....

***************
#cheessymossa

to be continued....

Chaotic Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon