[ Kabanata 08 ]
" HEALING IS THE PROCESS OF ACCEPTING ALL, THEN CHOOSING BEST."
Dumaan ang ilang araw at linggo. Unti unti akong naka recover sa pagkamatay ni Itay. Napapaisip nga ko kung ito naba ang simula ko?
Eto na ba yung araw na hinihintay ko? Bagong araw na iibahin ang landas ng buhay ko.
Minsan napapaisip talaga ko kung bakit kailangan akong subukin ng panginoon sa ganitong kalagayan. Oo, nalalagpasan ko naman pero sa totoo lang ayoko na. Ayoko na pag daanan ulit ang ganitong mga sitwasyon. Ang hirap, natatakot ako na baka sa susunod hindi kona kayanin pa.
Napangiti naman ako habang tinitignan ang mga kapatid ko at si Mama na unti unti nang sumasaya. Dumaan man kami sa malungkot na pangyayari. Unti unti naman namin itong nalalagpasan.
Napatigil naman ako at napatulala ng marealize na malapit na pala akong grumaduate sa Senior High School.
Ano na kayang susunod na mangyayari sakin, Samin? Sana naman wala na ulit na malungkot na mangyayari. Ngayon na sumasaya na kahit papaano ang pamilya ko. Ayokong mapunta na naman kami sa kalagayan na nag hihirap.
Ayokong maranasan na naman yon.
Maaga ang pasok ko bukas dahil maraming ganap sa school. Hindi nako natatakot pumasok dahil simula nung nanghingi sila ng tawad sakin noong araw na pumasok ako na ilang araw palang ang nakalipas ng pagkamatay ni itay.
Simula noon ay nakakahalubilo ko na sila. Pati si Daniella na dating nangunguna sa pang aasar sa'kin. Ang sarap lang sa pakiramdam dahil ngayon ay sya na ang pinakamalapit na kaibigan ko.
Sinasama na nila ko sa mga lakad nila kahit na hindi ako mag sabi na sasama ako ay nagkukusa na sila.
"Beatrice" mahinang tawag sakin ni Mama. Napalingon naman agad ako sa kanya.
"Malapit ka ng grumaduate sa Senior anong plano mo anak? Magpapatuloy ka ba sa pag aaral?" napaisip pa ko sa sinabi ni inay. Ilang araw ko rin yan pinag iisipan, Kung mag aaral pa ba ko o mag tatrabaho na. Dahil makakuha narin naman ako ng Trabaho dahil may diploma nako.
Siguro sapat nayon.
"Hindi ko pa po alam e, Hindi ko po alam kung mag aaral pa ko" Malungkot itong tumingin sakin sabay tumabi sa upuan ko.
"Kung ako ang masusunod. Gusto ko na makapag tapos ka hanggang kolehiyo anak. Gusto ko na mag patuloy ka." Nginitian ko sya sa sinabi nya. Gusto ko rin naman yon Mama pero iniisip ko ang mga kapatid ko.
" Kung iniisip mo ang mga kapatid mo, Huwag ka mag alala dahil kaya ko naman" dagdag nya.
Tumayo ito at pumasok na sa loob.
"Pag isipan mo ang mga desisyon mo Beatrice, Tandaan mo na sa sayo naka sa lalalay ang mga pangarap at takbo ng buhay mo." Pahabol pa ni inay.
Tama, saakin nakasalalay ang takbo ng buhay ko. Pero ayoko naman maging makasarili at pabayaan ang mga kapatid ko.
Lumipas ang gabi na yung mga sinabi ni inay ang mga tumakbo sa isip ko. Magpatuloy kaya ako? O Magtrabaho muna tapos pag nakaipon na ay mag aaral ulit.
Maaga na naman akong gumising para pumasok. Kahit pikit mata pa dahil sa puyat ay kinakailangan ko parin bumangon para harapin ang araw ngayon.
Napuyat ako dahil sa mga isipin na tumatakbo sa isip ko.
Hanggang sa school ay ayon parin ang tumatakbo sa utak ko. Pilit ko kinukwestyon ang sarili ko.
"Hoy" Gulat sakin ni Daniella.
" Ang lalim ng iniisip ah. May jowa kana no?" sabay tawa nito. Jowa? wala kong plano mag jowa.

BINABASA MO ANG
Chaotic Life
Genç KurguLIFE SERIES#1 (COMPLETED) Beatrice is seemingly trapped in an unending cycle of poverty. so chaotic that even she doesn't think that her life has a purpose. A girl whose name means happiness has a chaotic life: will she be successful someday, be hap...