LIFE SERIES#1 (COMPLETED)
Beatrice is seemingly trapped in an unending cycle of poverty. so chaotic that even she doesn't think that her life has a purpose.
A girl whose name means happiness has a chaotic life: will she be successful someday, be hap...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[ Kabanata 03 ]
" if no one's proud of you, be proud of yourself."
Sobrang saya ko! Ngayon na lang ata nangyari ito sa buong buhay ko.
"Tara, don naman tayo sa teddy bear!" yaya sa kin ni Miracle, hawak hawak pa nito yung kamay ko, kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko sa kanya.
Halos makaladkad na nga ako sa paghila nya dahil ang bilis nyang maglakad, pero ayos lang sakin yon masaya naman ako sa ginagawa nya.
"Pa'no ba to?" inosente kong tanong sa kanya. Ngayon lang ako nakapunta rito. kaya hindi ko alam kung paano laruin ang mga laro rito.
Kanina pa sya natatawa sa kainosentehan ko. kahit ako, natatawa ako sa sarili ko.
"Ang ignorante mo naman, ngayon ka lang ba nakalabas sa bahay? pati sa pag sakay natin sa escelator na nginginig kap pang sumakay!" asar nito sakin. Natakot lang ako dahil biglang gumalaw yung hagdan.
Hindi ko alam na natural yon, meron pa nga kaming nasakyan na parang pumasok kami sa kwarto at umugong paitaas, akalako ipupunta kaming ibang dimension ayon pala sa ikatlong palapag lang.
"At, ang mas nakakatawa pa ron" dagdag nya, habang nakahawak sa tiyan dahil natatawa na agad siya.
"Ano?" kunot noo kong tanong.
"Tinanggal mo yung tsinelas mo bago ka sumakay!" humalaklak pa ito ng nakakaloko.
" buti na lang napansin ko at nakuha ko agad ! " napapikit na sya sa kakatawa.
Ang ganda nya kahit saang anggulo lalo na pag tumatawa sya, nakakagaan ng loob.
Marami sigurong nanliligaw sa kanya.
"Anong iniisip mo dyan? tulala ka na naman" niyugyog pa ko nito para mabuhayan.
"Wala" iling kong sabi.
"Iniisip mo na naman yung kanina? bakit ka nga pala tatalon don? wala ka na bang pamilya? " sunod sunod na tanong nito.
Tinignan ko lang sya at bumuntong hininga bago sumagot.
"Meron akong pamilya" buntong hininga kong sabi sa kanya.
"Oh? meron naman pala, hindi mo ba alam na masasaktan sila ng sobra pag tumuloy kang tumalon don?!" sermon nito sakin.
Maluluha luha ko syang tinignan. pinunasan ko pa ang mga luha ko bago sagutin sya.
"Pakiramdam ko, wala silang paki alam kahit mawala ako....pakiramdam ko hindi sila proud sa kin... pagod na pagod na ko sa totoo lang sa buhay na meron ako.." lakas loob kong kwento, nag simula na naman akong maging emosyonal.
Niyakap pa ko nito at naramdaman ko ang lamig nya. Kita ko rin sa mata nyang naluluha sya pero pinipigilan nya ito.
Hinawakan ako nito sa dalawang balikat bago nag salita.