[ Kabanata 09 ]
" Let today be the start of Something new."
Nagdaan ang ilang araw at linggo. Halos wala na rin kaming ginawa sa school kundi mag practice ng mag practice para sa nalalapit na pagtatapos.
Tuwing lumilipas ang araw ay nadadagdagan naman ang lungkot saming lahat.
Matagal din kaming nagkasama sama, Mula elementarya pa nga ay kaklase ko na ang iba rito. Kaya hindi na ko magtataka kung makakakita ako ng mga nagiiyakan sa araw ng graduation namin.
**
Lahat kaming mag ka- klase ay nag iiyakan dahil ito na ang huling pag sasama sama namin.
Dahil ngayon ang araw nang pagtatapos namin Bilang High School. Nalaman din nila na nakapasa ako sa Scholarship. Kaya kailangan kong lumuwas ng maynila para doon na mag patuloy ng pag aaral.
"Beatrice, wag mo kami kakalimutan ha!" pahabol sakin ni Daniella.
"Oo naman, bakit ko naman gagawin yon?" nakangiti kong sabi sa kanya.
Nagyakapan pa kaming dalawa bago maghiwalay, dahil hinihintay na sya ng pamilya nya.
Ang balita ko ay mag a-abroad na sila dahil napag desisyunan ng pamilya nya na doon nalang manirahan.
Gusto nya rin naman doon, Kahit sino gusto doon. Kung mayaman din kami ay gusto ko rin na doon na ko mag aral, kaso wala, pero okay lang masaya na rin naman ako kung anong meron kami ngayon.
Isa isa kong pinuntahan ang mga gurong tumulong sakin para makapag aral upang pasalamatan.
Hindi ko na banggit na ang ibang guro rito ang sumasagot sa pagkain ko nung mga araw na walang wala ako.
Mabilasan ko lang silang binisita at pinasalamatan dahil kailangan ko ng magmadali.
Ito narin ang huling araw ko sa lugar na ito. Dahil pag ka uwi na pag ka uwi ko ay didiretso na kami paluwas ng maynila nila Mama para doon na manirahan.
Kagabi pa lang ay nag impaki na agad kami ng mga gamit at tanging itong suot ko lang ngayon ang nilabas para sa okasyon ngayon.
Bumuhos ang mga luha ng mga iba at ang sari saring pag bati sa isa't isa. Ako ang salutotorian ng batch na ito. Hindi ko kilala ang Valedictorian dahil sa STEM na strand yon at HUMSS ako.
Isa ako sa tinangala at malakas na pinalakpakan dahil sa angking determinasyon ko sa pagaaral. nakakahiya man dahil halos lahat sila ay alam ang kwento ng buhay ko, Kung saan ako nang galing at anong takbo ng buhay ko pero masaya ako na nakilala ko sila ngayon.
Matapos ang pag tatapos ko. ay pinauna ko ng umuwi si Mama dahil may dadaanan pa ako.
Kailangan kong mag paalam sa aking matalik na kaibigan at minamahal sa buhay.
Masaya akong umupo sa puntod nya at nilinis iyon.
Pinatong ko pa ang dala kong bulaklak at mga biniling tsokolate.
Ito na ang huling araw na lilinisan ko ang puntod mo. Dahil aalis na ako para ipagpatuloy ang aking pangarap.
Alam kong ito rin ang gusto mo, Ang ipagpatuloy ang buhay ko.
Oo, hindi ito ang huli pero siguro matatagalan ako na maka balik dito. Hindi ko din naman gusto ang lugar na ito at sa totoo lang ayoko nang bumalik pa dito. Dahil dito nag simula ang pagiging magulo ng pamilya ko. Pero masaya naman ako kahit papaano dahil dito din mag wawakas ang magulong buhay ko.
Lilisanin ko ang lugar na ito pero hindi kita makakalimutan. Ikaw ang nag silbi kong pangalawang buhay.
"Hanggang sa muli, Miracle..."
Bagay na bagay sayo ang pangalan mo, Himala.. Dahil isa kang himala na bumago sa buhay ko.
Punas kamay ko pang pinunasan ang mga luha ko. Lagi mong tatandaan na araw araw akong titingin sa kalangitan dahil umaasa akong muling paglalandasin ang ating buhay at ituloy ang nasimulan na pag kakaibigan.
Sunod kong pinuntahan ang puntod ni itay. Kahit naging masama sya hindi pa rin maalis sakin na sya ang aking ama.
Dugot laman nya ang bumabalot sa pagkatao ko. Sya ang dahilan ng pagkabuhay ko. Kaya wala akong dahilan para makalimutan sya.
"Itay" mahina kong bulong bago ipatong ang bulaklak na alay ko para sa kanya.
"Hindi ka man, naging mabuti samin hindi parin mababago ang pag tingin ko sayo.. Mahal na mahal kita.."
Ayoko sanang maging emosyonal sa araw na ito. Dahil dapat masaya ako dahil nalagapasan ko ang ilan sa mga pagsubok sa buhay ko.
"Ipapangako ko sayo na bibigyan ko ng katarungan ang pagkamatay mo. Pangako itay, Bago ako mawala sa mundong ito ipaglalaban ko ang hustisya mo." huling sabi ko bago tuluyang tumayo.
Napalingon pa ko sa puntod ni itay bago tuluyang lumisan.
"Hanggang sa muli itay."
"Saan kaba nang galing anak?" Bungad na tanong sakin ni Mama.
Napangiti muna ako bago sumagot.
"Nagpaalam lang sa kaibigan Ma, Tara na po." yaya ko sa kanya para pumasok na sa inarkilang jeep.
Habang tinatahak ng sinasakyan namin ang daan palabas ng baryong ito. Nakita ko pa ang mga mata ng mga taong mapanghusga na simula ngayon ay hinding hindi ko na makikita at iiwasan pa.
Ano kaya ang naghihintay na buhay samin sa Maynila? hihilingin ko na maganda ito. Dahil naamoy kona talaga ang simoy nang pagbabago ng buhay ko.
Masasabi kong nalagpasan ko na ang mga pagsubok sa buhay ko. Kahit na alam kong pag tungtong namin ng maynila ay panibagong buhay na naman ang haharapin namin.
Panibagong buhay, panibagong pagsubok sa buhay.
Pero, Ano pang ikakatakot at ikakalungkot ko? alam ko naman na kaya naming lagpasan yan.
Ipinapangako ko na ang kahulugan ng pangalan ko ay madadama ko bago ako mawalan ng buhay.
Happiness.....
*****************
#cheessymossato be continued....

BINABASA MO ANG
Chaotic Life
Novela JuvenilLIFE SERIES#1 (COMPLETED) Beatrice is seemingly trapped in an unending cycle of poverty. so chaotic that even she doesn't think that her life has a purpose. A girl whose name means happiness has a chaotic life: will she be successful someday, be hap...