CHAPTER 01.

246 100 88
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


[ Kabanata 01 ]

"Ang buhay ay hindi tungkol sa paghahanap sa sarili. Ang buhay ay tungkol sa pagbuo ng sarili"

"Beatrice ano ba yan, nag aaway na naman ba ang mga magulang mo? hindi ba kayo nahihiya? kayo ang pinakamagulong pamilya sa baryong ito."
napayuko nalang ako sa kahihiyan nang pagtungtong ko sa tindahan ni aling Marie ay inunahan agad ako ni Aling Using mag salita.

Hindi ko ito pinansin kahit na patuloy parin sila sa paguusap tungkol sa magulo kong pamilya.

"Isa nga pong kape at bente pesos na pandesal" bili ko sabay abot ng bayad.

"Tama, akala siguro nila ay sila lang ang tao dito. kung makapag away kalamo walang mga kapitbahay. Alam moba nung isang araw natutulog ako ng biglang sumigaw ang nanay nyan-"

Umalis na agad ako dahil ayokong marining ang paulit ulit nilang pangingiaalam sa buhay namin.

Sobrang sakit bakit ganito ba ang kinalakihan kong buhay, bakit sa ganitong buhay pa ko napunta.

Araw araw nalang ba na tuwing lalabas ako ay mararanasan ko lagi na makarinig nang masasakit na salita?

Sa totoo lang ay gusto ko ng mawala. pagod na pagod nako sa lahat. Matutuwa pa nga siguro ako kapag may sumaksak sakin bigla diyan sa kanto.

"Bakit ba napakabagal mong utusang bata ka?!" galit na bungad sakin ni itay.

"Marami po kasing nabili kaya natagalan, patawad po" pag dadahilan ko pero sa totoo ay nag ikot-ikot at nag pa hangin lang ako para kahit saglit ay maranasan kong makatakas sa bahay na kung ituring ko ay impyerno.

"Ikaw na bata ka dapat nag tatabraho kana masyado ka ng pabigat hindi na kita kayang buhayin." dagdag ni itay. dumiretso nalang ako sa aking kwarto at inumpisahan tapusin lahat ng asignatura ko.

Araw araw nya nalang yan sinasabi sakin. Pero nilalabas taenga ko nalang dahil siguro namanhid na yung buo kong katawan kaya hindi kona masyado dinadamdan ang masasakit nyang mga salita.

"Karding huwag mo naman saktan ang anak mo!, parang awa muna! " rinig kong iyak ni mama habang pilit kinukuha ang kapatid ko sa kamay ni Itay.

"Wala kang pakialam sa gagawin ko sa anak ko!, manahimik ka berta baka ikaw ang saktan ko!" Tinignan agad ni Itay ng masama si mama matapos niyang sabihin iyon kaya naman napatigil si Mama sa ka ka awat.

Sumilip ako sa maliit na butas ng kwarto ko at kitang kita ko kung paano hambalusin ni itay ng kanyang sinturon ang sumunod sa akin na si Buboy.

Wala akong magawa ganito ba talaga ang buhay na para sa akin? hindi ko ata kaya at hindi ko alam kung matatagalan ko pa.

Nakita ko naman mula sa bintana ng kwarto ko ang tipon tipon na kapitbahay namin mula sa labas na nanonood kung paano pag malupitan ni itay ang aking kapatid.

Chaotic Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon