CHAPTER O5.

137 84 22
                                        

[ Kabanata 05 ]

“ Remember, When it starts hurting, Life is trying to teach you something.”

"What.. ar are you talk-ing.. about? matagal ng patay ang anak ko!"

"What.. are you talk-ing.. about? matagal ng patay ang anak ko!."

"What.. are you talk-ing.. about? matagal ng patay ang anak ko.!"

"What.. are you talk-ing.. about? matagal ng patay ang anak ko!.." ilang beses nag pa ulit ulit sa pandinig ko ang mga salitang yon, nabitawan ko pa ang dala kong mga tsokolate at nanginginig na tumingin sa kausap ko.

"Ano...po-ng.. sinasabii.. nyo? kasama ko pa po sya kahapon.." pinilit kong umayos ng pag sasalita dahil ang sikip na ng dibdib ko.

Ano ba to, bakit nya  nagagawang mag bitiw ng ganyang salita! Nakakapanghina, sa lahat ng ayoko ang makarinig ng hindi magandang biro lalo na sa taong-

nagpasaya sa buhay ko...

"Kahapon?"pag kukumpira ng mommy nya. tumungo ako dito at pilit nilalabanan ang masama nyang biro.

"Isang taon ng patay ang anak ko, panong nangyaring nakita mo sya kahapon?...." napatakip pa to ng mukha at napaupo sa iyak..May tumakbo pang mga kasambahay para alalayan ito.

'isang taon na syang patay?' kahit ako ay nanghina at tuluyan nang bumagsak sa sahig.

para akong nilumpo at tinanggalan ng bahagi ng katawan sa balitang narinig ko.

Hindi ko magalaw ang katawan ko, pakiramdam ko namanhid ako. May mga umalalay din saakin papasok at dinala ako sa kanilang sofa.

Inabutan pako ng malamig na tubig upang mahimas-masan.

"Saan kayo nagkita ng anak ko, anong sinabi nya sayo? masaya ba sya? okay lang ba yung anak ko, nahihirapan ba sya ngayo-" naputol sya sa sunod sunod na pagtatanong nang yakapin sya ng lalaking may katangkaran at may itsura kung hindi ako nagkakamali asawa nya to.

"Hon, enough" bumagsak pa lalo ang mga luha ng Mommy ni Miracle, ewan ko pero nasasaktan rin ako.

Nakakabaliw, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, totoo ba ito? o panaginip lang.

Sinampal ko pa yung mukha ko na kinagulat ng lahat, gusto kong magising kung panaginip lang ito pero hinde e, hindi ito panaginip dahil.

nasaktan ako...

Unti unti na naman nag unahan ang mga luha na nag babadya sa mga mata ko. sa oras na to parang nabunutan ako ng tinik sa katawan dahil hindi kona naman magalaw ang mga braso ko para na naman akong tinanggalan ng kaligayan sumaya.

Lord bakit naman ganito?

Kung alam ko lang na ganon ang mangyayari hindi ko na sana hinayaang umalis sya sa tabi ko, hindi kona sana hinayaan na magkahiwalay kami.

Kaya pala ganon sya kung umiyak, kaya pala nasabi nya na sana mag kita pa kami.., kaya pala nasabi nya yon dahil hindi na kami magkikita magpakailanman..

Kakatwa man kung isipin pero isang patay ang bumago sa buhay ko. isang patay ang nag ligtas ng buhay ko... isang patay na nag bigay inspirasyon para bumangon akong muli. isang patay na kauna unahang nagparamdan sakin na masarap akong kasama at isang patay na naramdaman kong hindi ako hinuhusgahan at tinuring akong isang tunay na kaibigan.

"S-saan... kayo nagkita ng anak ko..." umiiyak na sabi ng mama nya.

Napasinghot pako bago sumagot.

"Sa tulay... Sa pinagbabawal na tulay... po" buong lakas kong sabi. Mas lalong lumakas ang iyak nito nagkatanginan pa ang mag  asawa bago ako kausapin ng papa ni mira.

"Pinagbabawal na tulay? yung malapit sa ilog bandang peryahan?.." maayos nya akong tinanong habang hawak hawak nang mahigpit sa kamay ang kanyang asawa.

Tumungo ako dito habang umiiyak. parang nag flashback sakin ang mga nangyari samin kahapon.

yung paghila nya na labis kong kinagulat at pagngiti nya sakin na hindi kona makikita't mararanasan muli kailan man.

"One year ago, nagkasagutan kami ng anak ko." nagulat pa ko ng magkwento ang Daddy ni Mira.

"Hindi ko naman alam na may tampo sya samin ng Mommy nya, hindi ko alam... next morning when i visit her room para ayain sana sya mag breakfast may nakita akong letter.... Nakaramdam nako ng ka ba non, Hinanap ko agad sya pero wala.. hindi ko sya makita...." tumindi ang nababalot na emosyon sa bahay na ito.

Pati ang mga kasambahay ay nag iiyakan na rin sa kwento ng papa ni mira.

"All of us were shocked when we heard on the news that there's a girl na tumalon sa tulay. Hindi ko man masabi noon pero iba na talaga ang pakiramdam ko non. and then, one day sumalubong samin ang bangkay na katawan ni miracle. Sa pinagbabawal na tulay.. doon sya huling nakita ng mga tao. Doon rin sya tumalon." kaya pala nung tinanong ko kung bakit sya nandon ang sinabi nya ay nakatambay. ayon pala. Ayon ang dahilan kung bakit sya nandon dahil, doon sya namatay at binawian ng buhay.

Halos nakatulog na ang mama ni miracle sa iyak. Mag ga gabi narin kaya napagpasyahan ko nang mag pa alam upang umuwi.

Masakit man isipin na wala na pala yung taong pinaramdam sakin na special ako. Masaya pa rin ako dahil kahit papano ay nagawa nyang pasayahin ang buhay ko kahit saglit lang na panahon lang.

Nahimasmasan narin ako at hindi na masyado halata ang maga ng aking mga mata dahil sa kakaiyak.

"Paano ba yan? hindi na kita mahahatid kailangan kong asikasuhin ang asawa ko" Mahinahon na sabi sakin ng papa ni Miracle. Marami pa sana akong gustong itanong gaya ng may problema ba sila dito sa bahay nila kaya nagawa ni Miracle tapusin ang buhay nya? at kung ano ang laman ng sulat ni Miracle sa kanila. Impossible naman kasi na nag away lang sila ay magagawa na nya agad yon.

Oo nga pala.

"Sir" tawag ko sa Daddy ni Mira bago ito pumasok sa loob.

" Hmm?"

"May pinapasabi nga po pala si Miracle sainyo."  may pinapasabi pala si miracle pagkabigay nya ng papel na address nila.

"Ano yon?" tanong nito at tinignan ako na parang hinihintay nya rin ang sasabihin ko.

Alam ko simpleng salita lang to pero iba ang magiging dulot nito para sa kanila.

"Mahal na mahal nya raw po kayo at pinagsisisihan nya ang ginawa nya" ngayon naiintindihan ko na kung ano ang ibig nyang sabihin nung sinabi nya yan.

Napaluhod naman ang Daddy ni Mira kaya dali dali ko itong nilapitan.

"Ayos lang po kayo?!" inalalayan ko pa ito dahil nakita ko na nanghina sya matapos marinig yon.

Kitang kita ko pa kung paano nya pigilan ang luha sa mga mata nya dahil namula agad ito ka sabay ng pag pula ng mukha nya.

"Yeah, I- i can handle this you can go, baka gabihin kapa." tumungo nalang ako sa kanya  at tinahak na ang daan pauwi samin.

Nang makarating ako sa kanto ng bahay namin ay pansin  ko ang pagkakagulo ng mga tao.

Anong meron? bakit may mga pulis.

Narinig ko pa ang malakas na iyak ni Mama kaya dali dali akong tumakbo papasok ng bahay at naabutan ko ang

Walang buhay na katawan ni itay....

******************
#cheessymossa

to be continued....

Chaotic Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon