CHAPTER 02.

178 93 50
                                    

[ Kabanata 02 ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ Kabanata 02 ]

" A good friend is like a four leaf clover : HARD TO FIND LUCKY TO HAVE"

Gulong gulo na ko sa buhay ko, Natatakot ako na baka mamaya hindi ko kayanin. kaya ko ba ito? wala rin naman akong matinong pangarap. wala rin sigurong say-say kung mabubuhay pa ko. ayoko dumating sa punto na pati buhay nang magiging anak ko ay magiging ganito.

Hindi ko kakayanin yon kung magkakataon.

Palabas na ko ng bahay para makahanap ng pagkakakitaan, para narin makalayo sa magulo at maingay kong pamilya. tuwing wala kaming pasok ay kumakayod parin ako. Hindi sapat ang paglalabada ni Mama para sa aming anim na magkakapatid kaya kailangan ko mag banat ng buto para makatulong at hindi matawag na pabigat.

Sobrang sakit. araw araw nalang ako dinudurog sa mga salitang binabato samin ng iba. Kung hindi salot, Delubyo ang bansag nila.

Ma swerte pa nga sila dahil may maayos silang tirahan. Maganda na nga puno pa ng saya. e yung samin na lagi nilang pinupuna? Marumi at nababalot pa ng kaingayan.

Hindi ko na nga maalala kung kailan kami huling nag saya,

Napadaan naman ako sa tulay na pinagbabawal.

Pinagbabawal daw ito dahil napaka delikado. balita ko marami ng nasawing buhay sa bulok na tulay na ito.

Ewan ko pero biglang automatikong nag lakad ang mga paa ko para pumunta sa tulay na yon.

Namanhid ang buong katawan ko matapos makita ang lalim ng pagbabagsakan ko kung sakaling malaglag ako rito, Siguradong hindi ako makikilala pag nalaglag ako.

Bigla kong naramdaman ang panghihina sa buong katawan, Katapusan ko na ba? hanggang dito nalang ba ang buhay ko? bulong ko sa sarili ko.

Marahan akong umiyak at tinanggap nalang ang aking kahihinatnan, siguro nga hanggang dito nalang ako. Bumuhos pa ng sobra ang mga luha ko.

" Paalam inay, paalam itay mahal na mahal ko kayo. Buboy,... Christel,.. Mga kapatid ko, Patawadin nyo sana ang gagawin ni ate...... "

Disidido nako. Gusto ko nang tapusin ang paghihirap ko. wala rin namang say-say kung mabubuhay pa ko. hindi ko rin alam kung anong gusto ko. Wala akong pangarap sa sarili, sa maikling salita. Walang mawawala pag nawala ako.

Akmang tatalon na ako ng may humigit sa katawan ko pa palayo sa tulay.

"Aray" daing ko, Pero imbis na masaktan ang babaeng humila sa kin ay tumawa lang ito.

"Sakit non ah!" reklamo nya sakin habang nag pa pagpag.

"Tatalon ka? malamim yan hindi ka bubuhayin nyan" Dagdag nito, tinakot nya pa ko.

Alam kong malalim yan, hindi ko naman tatalunan kung mababaw. Gusto ko yung patay na talaga ko hindi yung ipupunta pako sa hospital para gamutin. Wala na nga kaming pang bayad sa renta ng bahay pang pa hospital pa kaya? mababaon na naman kami kung nag kataon.

Chaotic Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon