Late Dinner with Past

131 4 1
                                    


DAPHNE (POV)

"Girl-" tawag sa akin ni Jessica.

Tinapos ko muna nag pag type ko ng isang sentences bago ko sya nilingon. "B..bakit?" tanong ko.

"Ha?!- Anong bakit?! Girl! Uwian na po nuh!" mabilis na sagot ni Jessica.

Napatingin ako sa orasan ko at napahinga nalang ako ng malalim "Shit-" sabay tingin sa cellphone ko at nakapag taka na hindi pa nag text sa akin si Zachary.

Siguro busy yun sa trabaho nya ngayon o kaya naman nagpapahinga sila dahil pauwi na sila bukas.

"Dont tell me mag overtime ka nanaman?! Bakla di mo ikinaganda yan!-" pagtaray ni Jessica.

"Naku malamang nga Jessica-" sabay ang mabilis na scanning sa trabaho ko "- Kailangan makatapos ako sa bago manuscript na mapasa ko kay Louise. Na pressure ako sa bagong sequel para sa novel ko eh." wika ko.

"Baka naman sa sobrang pressure mo nyan, mag cramming ka at di mo magawa ng maayos yan sequel mo. Mag relax ka nga muna kaya." sabi nya.

"T..thanks. Pero pag naiisip ko mga dapat na gawin at mga ideas na pumapasok sa isip ko di ko mapigilan mag trabaho eh." mabilis na sagot ko.

Huminga sya ng malalim habang pinagmamasdan ang mga kalat sa desk ko "So... di ka sasabay sa amin ni Audi? Naku girl baka maabutan ka pa ng ulan nyan. Hirap pa naman bumayahe ngayon."

"I'll try to finished this quickly. Medyo sinasamantala ko pa ang mood ko ngayon mag trabaho para sa sequel ko eh." nakangiting sagot ko.

"Are you sure?-" pag aalala sabi ni Jessica.

"Oo naman. Sige na mauna ka na. Baka nag aantay na si Audi sa baba." nakangiting sagot ko.

"Well- sige na. Una na muna ako. Just don't push yourself so hard ah! At tumawag ka kay fafa Zachary ah!-" paalala nya.

Tumango ako at nagpaalam na din sya sa akin. Sinundan ko sya ng tingin habang tinatahak nya ang elevator kasama ng ilan sa mga kasamahan ko na pauwi na rin.

Habang ako naman ay nagtuloy lang sa pag trabaho at di ko na namalayan na unti unti na umuuwi ang ilan sa ka trabaho ko.

Mamaya maya pa ay naisipan ko kumuha ng kape napatingin ako sa relos ko at nakita kong mag alas siete na ng gabi!

"Shit-" mahinang bulaslas ko. Mabilis kong tinungo ang pwesto ko at kinuha ng mabilis ang cellphone ko. Nakita kong ang isang message galing kay Zachary

"Punta muna ako ng company party. Twagan kita agad after this <3"

Sinubukan ko syang tawagan pero wala sumasagot. Napaupo ako at medyo nagtampo sa kanya. Sa sobrang atat nito makipag party dahil umabsent sya dati sa usapan nila ni Jared mag bar dahil sa akin siguro eto ang pagkakataon nyang bumawi.

"Party mo mukha mo-" mahinang bulaslas ko. Hindi ko na sya nireplayan agad ko tinago cellphone ko sa bag ko.

"Hi-" bati nito sa likod ko.

Napatayo ako at halos matapon ang kape sa lamesa ko. Si Clareth! Nakangiti ito at dala ang bag nya. Nakatupi ang polo nito at halos maaninag ko ang dibdib nya hanggang pababa ng...

Stop!

Napangiti sya, Hindi ko alam sa reaksyon ko o na nahuli nya akong nakamasid sa buong katawan nya.

"C..clareth-"

"Ah.. nagulat ba kita?-" nakangiti ito sa akin.

"H..hindi naman. Kaya ang unexpected naman ang pagbati mo." mahinang pagbati ko. Nahihiya na may halong nerbyos ang nararamdaman ko sa harapan nya.

The Sexbiography of the Erotica NovelistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon