TEDDY BEAR PART 1

617 7 1
                                    


DAPHNE (POV)

My mind was still thinking about Clareth. Ano ang ginagawa nya dun? At masaya rin ako kahit paano na nakita syang nasa mabuti at- nag improve.

Parang bigla nalang umusbong ang presenya na kadali rin nawala. Paano kung sakali nakita nya ako? Kilala pa ba kaya nya ako? O papansinin man lang kabit simpleng kamustahan lang?

Tinanong ako ni Jessica kung ano ba ang nangyari sa akin at bakit daw ako bigla nang iwan. Pero pinagsinungalingan ko lang ang lahat ng nakita ko.

Palabas na kami ng opisina ng may nakita akong pamilyar na mukha. Nakaupo si Zachary sa waiting area namin. may hawak na kape at maiigi nakatingin sa mga tao nag dadaan. Napadaan ang tingin nya sa gawi namin ni Jessica at ngumiti ito at agad agad nilapitan kami.

"Uwi na kayo?-" magiliw na tanong ni Zachary sa amin.

"Oo. Mas maaga mas maganda." nakangiting sagot ni Jessica.

Tumingin si Zachary sa akin "Hi-" matipid pero malambing ang boses nya sa akin.

"Ano ba yan?! 'hi' lang?! Naku ah! nag away nanaman ba kayo?-" malakas ang sabad ni Jessica. At pataray na tumingin sa akin.

"H...hindi ah!-" nauutal na wika ko. Bat ako nanliit bigla sa mga tingin sa akin ni Zachary. Parang nahihiya ako at na guilty kung bakit di ko sya isinabay sa akin kanina sa paggising.

"Oh eh anu drama yan huh?!- naku ah! Para kayong aso't pusa!-" wika ni Jessica.

Sabay akbay sa akin ni Zachary at mahigpit nya akong ikinulong sa kanya. "Eh kasi naman to si Daphne eh! nagmamadali kanina kaya hindi na nya ako nagawang gisingin." nakangiting sabi nya.

"Ah sus! Gumaganun?! Naku Daphne ah! Ikaw pa may ganang umasta ng ganyan ah! Tara na nga at makauwi na! Paniguradong inaantay na ako ng mga anak ko!-" nakangiting sabi nya at sabay kaming nakasakay ng elevator pababa sa lobby.

Hindi pa din ako tinantanan ng pag akbay ni Zachary sa akin. Naiilang pero sa totoo lang ay nagugustuhan ko ang ginawa nya sa akin nag pagsundo at paglalambing tulad nito. O baka naman ay pakitang gilas lang ito sa mga taong 'alam na mag nobyo' kami.

Alam ko na hindi nito si Zachary sa mga naging babae nya noon. Mga panahong hindi ko halos sya makilala. At panay banggit si Jared sa akin noon ng mga pinag gagawa nya nuon.

Maliban lang may Scarlett-

Matapos kaming makakain sa isang resto sabay ni Jessica agad na itong nagpaalam at naiwan lang kami ni Zachary. Bigla akong kinabahan at pilit na hindi ko sya hinaharap. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga tao at iba pang scenery sa mall na kung saan ko huling nakita si Clareth.
Napisip ako kung saan sya nagpunta dito sa parte ng mall. May katagpuan kaya sya para mag ayos ng ganun? Girlfriend kaya nya? o asawa?


Pero hinawakan ni Zachary ang kamay ko at mahigpit nitong iginapos sa kanya.

"Bat ang sungit mo ngayon?-" nakangusong tanong ni Zachary babang nakatingin ito sa akin.

"W...wala-" mahinang tanong ko "P..pagod lang siguro ako sa trabaho." patuloy ko.

"Ako nga din eh. Halos di na ako nakapag lunch sa sobrang dami ng trabaho. " casual na wika nya. Napatigil ito at huminga ng malalim.

"D...daphne. May sasabihin sana ako eh-" seryoso wika nya.

Napa angat ang mukha ko sa kanya "Ano yun?-" natigil din ako sa biglang pag seryoso ng dating namin sa isat isa.

The Sexbiography of the Erotica NovelistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon