8 Balls Club

190 4 1
                                    


JARED (POV)

Hindi na rin ako nagulat sa nangyari kina Zachary at Maggie sa biglang pagkalas nila sa grupo namin pero dyahe talaga ang ginawang pag iwas ni Zachary

Langya naman ano naman ang gagawin ko sa gabing ito?

Masyado na nahaluan ng drama nilang dalawa ang masaya sanang despedida party namin.

Wala na nagawa ang grupo namin. Oras na para naman na maibsan ang 'uhaw' namin sa saya

Kaya napag desyunan namin na sumali nalang sa ibang ka trabaho namin na sumayaw sa club.

Kasayaw ko si Liza ang bagong ka fling ko pero professional level lang naman. Wala hanky panky dahil kahit ako ang pinaka gago ako sa grupo namin ni Zachary alam ko limitation ko lalo na sa babaeng nakaka fling ko lalo na may sabit na boyfriend/ fiancee.

Kaya ayoko ng relation-sh*t

Kaya ako enjoyin ko lang lahat ng meron ako ngayon bago pa ako magpa register sa senior citizen.

But who knows?!

Baka maging DOM ako pero hindi ako magpapatali kahit kanino.

Napatigil akong sumayaw ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cp ko. Agad kong kinuha at nakita kong lumabas sa screen ang pangalan ni Maggie.

Agad kong sinagot

"Oh bakit?-" sagot ko

"Saan ka ba?!-" medyo mahina ang boses nya pero kahit paano ay naiintihan ko sya.

I excuse myself to Liza at agad akong lumabas ng club.

"J..jared-" hikbing sagot ni Maggie.

Luminga linga ako "A..andito pa din sa club. A..asan ka ba?" nagtatakang tanong ko. At sabay nun ang pag hahanap ng tingin ko sa kanya sa paligid pero hindi ko sya makita.

Huminga muna sya ng malalim "Naliligaw ata ako. Hindi ko alam kung saan ba cottage natin" mahinang sabi nya.

"W..what? Paano ka maliligaw?-" napahinga ako ng malalim "- Asan ka ba?- Puntahan kita dyan." mabilis na sabi ko.

"S..sa 8 balls bar ako-" mahinang sabi nya. "J..ared please bilisan mo. Na...natatakot ako. Please." Nagmamakaawa sya.

"Okay. Intayin ako dyan. At wag ka na umalis." Mabilis Kong sinugod Ang kinaroroonan ni Maggie. Halos liparin ko Ang papunta dun at mabilis Kong naaninag si Maggie.

Naiilang sya sa mga lalaki lumalapit sa kanya. Hindi ko sya kilala na parang tumitiklop sa hiya at sa ilang sa dami Ng lalaki nakapalibot sa kanya. Halos bastusin sya Ng mga ito. Pilit na nakikipag usap ito sa kanya.

"Maggie-" malakas na tawag ko. Sinuot ko sa kanya Ang polo shirt ko para matakpan Ang halos hubad na katawan nya

"J..ared-" mabilis tong lumapit at halos umakap na ito sa akin.

"Pre syota mo?-" natatawang tanong Ng Isang lalaki. Halatang lang lango na ito sa alak.

"O..oo- " biglang sagot ko "Payong kaibigan lang ah, Hindi nakakadagdag ng pagkalalaki Ang pambabastos sa babae. Kung gusto mo mapansin Ng babae, kausapin mo Ng maayos. " Seryosng bwelta ko.

Natawa ito "Pre, payo ko din sayo, huwag mo pag suotin ng ganyan ang syota mo at pabayaan pakalat kalat. Parang pokpok kung manamit eh!-" sabay tawanan nila ng barkada nya.

The Sexbiography of the Erotica NovelistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon