High School Memories <Part 1>

7.5K 45 2
                                    

    DAPHNE (POV)

   HIGH SCHOOL MEMORIES.

  Pasugod ako sa canteen ng makita ko si Zachary Fernandez sa nakapila sa cashier kasama ang mga ugog nyang barkada. Kilala silang f4 version ng school namin.

   "Hoy Fernandez!" bulyaw ko.

   Humarap sila sa akin. "Pare, kilala mo?" wika ni Pheonix sa kanya.

     Tinignan ako mabuti ni Zachary mula ulo hanggang paa. Iba sya makatingin nanlalambot ang tuhod ko.

       "Miss, anong kailangan mo?" malamig ang pagkakatanong ni Zachary sa akin.

        Wooh, pati boses nya ang gwapo. "Ahm.. Kasi-" shit what happen to me!

       "Wooh, baka magtatapat syo pre!" panunukso ni Pheonix

       "Miss, mag aapply ka bang girlfriend ni Arc?" natatawang wika ni Jared. Sabay akbay kay Zachary.

       Mabilis akong umiling.

     "Pasensya na miss pero hindi kita type. Makakaalis ka na." wika ni Zachary sabay talikod sa aiin at nagbayad ng pagkain nya.

        "Tsk. Naku miss pasensya ka na ah- medyo bad mood lang ang kaibigan namin. Better luck next time nalang miss." wika ni Pheonix sa akin.

           "Hindi ako nandito para manligaw sa kaibigan nyong hambog!" giit ko.

                  Hindi sila nakaimik sa akin. Agad kong hinawakan ng mariin ang balikat ni Zachary at hinarap ko sya sa akin.

              "Ano bang problema mo huh?!-" galit na sabi niya sa akin

             "Wala akong problema syo, pero sa kaibigan ko mayroon kang atraso! Ang kapal ng mukha mo hayop ka! Akala mo kung sino kang gwapo! Kung lokohin mo yung kaibigan ko para ka lang bumili ng laruan, pagkatapos mo pagsawaan pwede mo ng idispatsa kung saan saan lang! Pasalamat ka nandito tayo sa eskwelahan kung hindi, magsisi ka kung bakit ka pa ipinanganak! Tsaka pwede ka huwag ka masyadong assuming na may gusto lahat ng mga babae sayo! Kahit ikaw nalang natitirang lalaki sa buong mundo, mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga kaysa pumatol sa gagong katulad mo!" galit na sabi ko.

                   * Pak!*

                Hindi ako nakapag pigil sa galit ko at nasampal ko sya ng malakas sa pisngi nya.

                   "Para yan sa kaibigan ko! Tang na ka!" pahabol ko.

                   "Daph!-" awat nila Jessica sa akin at Scarlett.

                 "Ano nanaman yang ginawa mo?!-" sita ni Jessica sa akin.

           "Iginanti ko lang ko lang naman si Scarlett sa makating higad na yan!" pagmamayabang ko.

         "Ano?!-" tanong ni Jesssica

       "Sinaktan nya si Arc! Ano ba yang kaibigan nyo? May sayad ata sa utak yang babaeg yan! Itali nyo mabuti yan kahirap pagnakakawala nanakit nalang ng tao!" inis na bulaslas ni Jared.

          "Hoy! Isa ka pa! Nangungunsinte ka pa dyan sa kaibigan mo! Pare- parehas lang kayo, mga gago!" bulyaw ko sa kanila.

The Sexbiography of the Erotica NovelistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon