Confusion

1.2K 10 2
                                    


PRESENT DAY

DAPHNE (POV)

"Daph- anak anu mas bagay etong white or checkered polo para sa tatay mo?" Tanong ni nanay habang ipinakita nya sa akin ang mga pinagpipilian damit.

"Yun white nalang. Masyado loud ang kulay nun checkered eh." Sagot ko.

"Eh kung dalawa nalang kaya? Ayaw kasi ng tatay mong mamili ako bagong polo para sa kanya. Ayaw nyang gumastos eh" nakangiting wika nya.

"Parehas pala kayo ni tatay. Ganyan din sianbi nya tungkol sa inyo kapag namimili syang gamit para sa inyo." Wika ko.

Napalawak ang ngiti nya "T..talaga?! Kaya nga magkasundong magkasundo kami ng tatay mo eh-"

"Nay, paano pala kayo nagkakilala ni tatay?-" nahihiyang tanong ko. Hindi ko kasi alam kung kailangan ko itanong sakanila. Open kami sa isat isa pero sa story nila, hindi ko padin alam.

Nakita kong nahiya si nanay pero ngumiti itong bigla at hinarap ako.

"Bakit mo natanong yan?-" natatawang tanong nya.

"E..eh kasi syempre... anak nyu po ako at gusto ko po malaman kung paano kayo nagkakilala ni tatay." Nakanguaong sagot ko.

Napatawa si nanay "Kailan ka pa naging curious sa ganyan. Alam mo kung andito lola mo malamang mag aasaran nanaman kayo nun. " nakangiting sagot nya

Buti nalang wala si lola dito at nagpapahingga sa apartment ko. Kung andito man yun kasama namin malamang dito, wala nanaman humpay iyon sa pag saway sa akin.

"Well to make the story brief, nagkakilala kami ng tatay mo sa isang kaibigan din namin. Nun una hindi namin gusto ang isat isa pero mga ilan taon din ang pagkakaibigan namin nagkagusyuhan kami ng tatay mo. Hanggang sa nag desisyon kaming magpakasal after nyang makakuha ng trabaho." Sagot ng nanay ko.

"H..hindi ba kayo pinahirapan ni lola? Dahil nakaka takot sya?-" tanong ko.

"Bat naman? Mabait ang lola mo. Alam mo bang nuon napag desisyunan mo mag aral at manirahan sa manila, halos araw araw ang pag aalala nya sayo." Nakangiting wika nya.

Napangiti ako. Kahit hindi man sabihin ni nanay ang tungkol dun alam ko na mahal talaga ako ni lola. Hindi lang obvious sa pag susungit at pangungurot nya sa akin.

"Ikaw- kamusta kayo ni Zachary, anak?" Biglang tanong nya.

Bigla akong nagulat "A..ah ayun po. Okay naman po kami." Wika ko.

"Hmm. Eh sila ni Scarlett?- sila pa din ba?" Tanong nga.

"Ahm.. break na po sila." Mahinang sagot ko.

Napatingin bigla sa akin si nanay "H..ha?! Bakit naman?-" hindi mapigilan ang gulat sa boses ni nanay.

"Hindi ko po alam nay. Simula pa nuon niyaya na magpakasal ni zach si Scarlet. Hiniwalayan nya si Zach. Kahit pa nuon highschool kami on and off relationship nilang dalawa." Sagot ko.

Biglang lumungkot ang mukha ni nanay "Sayang naman." Matipid na sagot nya. Sabay ang bugtong hininga nya. Hindi maiwasan na maging concern si nanay kay Zach dahil napalapit na rin ang loob nya sa kanya.

Pero sandali lang!-

Bigla akong napatigil at pumasok ang ideya tungkol sa amin ni Zach. Lalo na may nangyari sa mi dalawa.

Hindi kaya isa ako sa mga rebound girl ni Zach?!

Pinilit kong balewalain ang ideyang yun pero pinipilig ng mga pangyayar sa amin ang mapaisip ako ng ganun.

The Sexbiography of the Erotica NovelistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon