Nagising ako dahil sa mga haplos sa braso ko. Dahan dahan ko namang minulat ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko, nakakahilo.Marahan kong ipinilig ang ulo ko dahil sa hilo na nararamdaman ko. Napalunok ako ng biglang may humawak sa noo ko.
"Camilla?"
She's here? Ayon sa naaalala ko, nagpaalam na siya kanina sa'kin para umuwi ngunit bigla akong nahilo at hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari.
"Sir Denver, kumusta na po ang pakiramdam n'yo?" puno ng pagalala ang boses nito. Ramdam na ramdam ko pa ang kaagad na pag-init ng magkabilang pisngi ko.
Napatingin ako sa kanya at sa maganda niyang mata-sa maganda niyang mukha.
"I'm dizzy," tanging naisagot ko at muling ipinikit ang mga mata ko. Bakit ngayon pa talaga ito nangyari? Pasko na pasko, masakit ang ulo ko.
"Anong oras na?" kapagkuwan ay tanong ko." Alas otso na po ng gabi," kaagad na sagot nito. Napamulat ako. Alas otso? fuck!
"I'm a bit okay now, you can go home. Ipapahatid na kita sa driver, I'm sure makakarating ka pa doon bago mag-"
"Hindi na po ako uuwi, Sir Denver." sansala nito na ikinatigil ko. She can't spend her Christmas with her family and that because of me?
"Just go home, they're waiting, enjoy your Christmas with your family, bumalik ka na lang dito after the New Year celebration, basta bumalik ka." sagot ko.
Umiling ito, "mananatili po ako dito-"
"I'm fine, Camilla," saad ko.
"Galit pa po ba kayo sa'kin? Kaya pinipilit n'yo akong umuwi na para bang ayaw n'yo na manatili ako rito."
"I am not."
Hindi ako galit, sadyang naiinis lang. Naiinis ako dahil sa nangyari at sa mga nakita ko. Naiinis ako kasi mas pinili n'yang makasama ang kapatid ko kaysa sa akin. I hate it!
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, ngayon ko lang ulit nakausap si Camilla. Talagang hindi ko siya pinapansin nitong nakaraan, ayokong masigawan ko siya at lalong ayoko kong magpahalata.
What the fuck, isn't it?
Napakuyom ang panga ko dahil sa mga luhang nagpatakan galing sa mga mata niya, fuck those tears.
"Wipe it off," sambit ko. Napayuko ito at rinig na rinig ko pa ang mahina niyang paghikbi. I hate the way she cries, it reminds me of me... kung saan, talunan pa ako katulad ng dati.
"I told you, wipe it off."
Dahan-danan kong hinawakan ang ulo niya at pinaharap sa'kin dahilan para magtama ang paningin namin. Napalunok ako dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko, I can feel those butterfly that everyone says when they feel 'kilig', ito na ba 'yon?
"Don't you ever cry in front of me again." seryosong saad ko at pinunasan ang mga luha niya gamit ang kamay ko.
She's someone I can't compare with, she's the only woman that made me swoon like crazy little bitch.
Silence filled the whole room and my heartbeats, it's so loud.
Alam kong namumula na ako ngayon, mabuti nga at nilalagnat ako kaya hindi masyadong halata.
Napatingin ako sa gawi niya na nakayuko lang sa harapan ko. Wala ba talaga siyang nararamdaman sa'kin? Wala ba talaga siyang pakialam? I mean, hindi ba ako kamahal-mahal?
Kaagad akong umiwas ng tingin ng bigla s'yang nagsalita.
"Si sir Nathan po pala umalis kanina, sinama ang isang kasambahay. Sabi rin po niya, siya raw ang maghahanda ng noche buena. Marunong po pala siyang magluto?" naiinis ako sa tanong niya, ba't kailangan namin pag-usapan ang lalaking 'yon? Nakakainis!
"He's a mechanical engineer and a chef as well," sarkastikong saad ko. Pasalamat ang mokong 'yon at pinupuri ko pa.
"Matalino po pala siya," sagot nito.
"Mas matalino ako," sagot ko na ikinatingin niya sakin.
"Mas matalino ako sa lalaking 'yon." Bulong ko ngunit alam ko naman na narinig n'ya 'yon.
"Alam ko naman po na matalino kayo." sabi nito at ngumiti pa.
Napakuyom na lang ang panga ko ng mapagtanto kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa.
Abala ito sa pag-aayos ng unan ko maging sa paglalagay ng basang towel sa noo ko.
I gulped as her lips leveled mine. Shit!
"Kumusta na po ang pakiramdam n'yo, may masakit po ba? Nahihilo pa po ba kayo?"
Nahihilo ako sa init na nararamdaman ko ng dahil sa babaeng 'to.
"Magaan na, salamat."
Ngumiti lang ito at iniligpit na ang mga basahan na nakakalat sa lamesa.
"Ito po 'yong intercom n'yo, dito ko na lang po ilalagay para mabilis n'yong makuha at kung sakaling may kailangan kayo, tawagan n'yo lang po ako. Ihahanda ko na rin po ang pagkain n'yo para makainom na kayo ng gamot."
Shes so caring, I wonder how caring she is if she became mine. Hindi ko tuloy mapigilan ang mahulog sa kaniya, este mapangiti pala.
Fuck!
Tumango lang ako bilang tugon.
"Sige po, sir. Lalabas na po ako." sambit nito at binuhat na ang planggana.
"Camilla?"
Napalingon ito sakin. "Thank you," napangiti ito.
"Walang ano man po," sabi nito. I smiled.
Muli itong tumalikod at akmang bubuksan na ang pinto.
"Camilla?" tawag kong muli.
"Po?"
"Merry Christmas!" I utter and give her a smile.
"Merry Christmas din po, sir." sagot nito.
Alam kong pulang-pula na ako ngayon. Totoo pala na ang hirap magpreno kapag mabilis ang pagtakbo kasing hirap pigilan ng mabilis na pagtibok ng puso mo, sobrang hirap.
HerPenSilhouette
BINABASA MO ANG
Something In Between
RomanceHe wins over everything but lose for the first time just because of someone, someone who's nothing to compare with, someone who made him swoon over. Hate tears but he'll realize that he can't stop those warm liquids from streaming down his face. Nev...