Chapter 17

109 21 12
                                    

Napabuntong-hininga ako at kinuha ang towel sa drawer ng lababo dito sa banyo at pinunasan ang buhok ko. Kahit papaano ay nawala na rin ang hilo at sakit ng ulo ko. Gago kasi itong si Yuseff, hindi lang pinansin ni Tanya naglasing kaagad, talagang dinamay pa kami.

Inayos ko ang tuwalya na nakapalibot sa beywang ko at lumabas ng banyo. Teka, ngayon yata ang meeting ko with the investors, ba't ko nakalimutan ’yon? I'm sure this time, Ms. Sanger would confront me.

“Sir Denver?” halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni Camilla.

Bakit ang hilig ng babae na 'to ang gulatin ako? Baka sa susunod ay aatakihin na ako sa puso dahil sa kan'ya.

Halata ang pamumula ng mukha nito habang nakatingin lang sa akin—no, hindi pala sa akin kundi sa... holy shit! Wala pala akong damit pang-itaas at tanging tuwalya lang ang nakaano sa ano ko.

Ano bang pinag-iisip ko? What a shame, Dk!

“Fuck!” hindi ko napigilan ang sarili na mapamura at agad na tinungo ang closet ko at dali-daling kumuha ng damit dito.

“Sir Denver, sorry po. Tinatawag ko po kayo pero hindi po kayo sumasagot kaya pumasok na lang po ako. Pasensya na po.” saad nito habang nakatalikod pa sa akin.

“Next time please knock before you enter or else call me, we do have an intercom, Camilla, you can speak there anytime.” sansala ko habang sinusuot ang polo ko.

“Sorry po talaga.” tanging isinagot nito kaya napabuntong-hininga na lamang ako at muling bumalik sa banyo para magbihis.

Alam kong namumula na ako pero mas nangingibabaw ang init ng katawan ko. Stop it, damn.

I don't want this feeling, I hate this feeling.

Pagkatapos kong magbihis ay agad ko rin namang binalikan si Camilla. Abala pa ito sa pag-aayos ng higaan ko.

“You need something, don't you?” napaangat ito ng tingin sa akin at isang malamig na tingin lamang ang itinapon ko sa kan'ya.

Lumapit ito sa akin at alam kong naiilang pa ito. “P’wede po ba akong lumabas?”

“No, you can't.” seryosong saad ko rito at kinuha ang relo ko sa lamesa na nasa tabi lang ng kama ko.

“Pero sir, importante po kasi. Magpapadala po ako ng pera sa mga magulang ko.”

“Camilla, you know that we're still the headlines. Media's and press are just outside this estate, patiently waiting for you.”

“Sir, kailangan po kasi talaga.” ani nito kaya wala na akong nagawa. Her eyes was so convincing.

I sighed. “Sasamahan na kita.”

“Huwag na po sir, kaya ko na po.”

“Camilla—”

“Baka po maging headlines pa ulit tayo.” sansala nito kaya natahimik ako.

Yeah, right. Ayokong dagdagan pa ang kung ano mang kumakalat na balita ngayon na puro lang naman haka-haka at kasinungalingan.

Bawat isa may opinyon. No one even dared to ask me the truth. Conclude after conclude and there it goes, lies covered the facts.

Something In Between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon