“Thank you!” masigla ang boses ko at malapad ang ngiti habang nakikipagkamayan kay Mr. Piero. At last, he signed our proposal and today, our scents finally collided. His world famous essence perfumes, the majestic Perfum de Piero mixed with DK fragrance, just woah!
Hindi ko inakalang aabot dito ang lahat ng pinaghirapan ko, ito ang bunga ng dugo't pawis na halos mamatay ako para lang maitayo ang dating imahinasyon ko lang.
Nanatili ang ngiti sa mga labi ko kasabay ng pagtama ng paningin namin ni Ms. Sanger. Kaibigan niya si Mr. Piero at malaki ang naitulong nito sa akin lalo na at s'ya ang nagrepresenta ng mga pabango at produkto ko sa mga sikat na kompanya sa ibang bansa.
“I’m looking for a good negotiations with you and I hope, our collab will get a good review from the public, Mr. Salazar.”
“I assure you, you're time and everything won't be wasted.” Ngumiti ito at tumango-tango pa.
Napabaling ang atensyom namin kay Ms. Sanger ng bigla itong tumikhim, “Naghihintay na raw sa labas ang sekretarya n'yo, Mr. Piero.” Tumaas ang kabilang bahagi ng labi nito kaya napakunot naman ako sa noo ko, bakit nagmamadali ang babaeng 'to?
“Oh, so I guess, I'll take my leave now. Mr. Salazar, thank you again.” ngumiti na lang ako ng peke habang naguguluhan sa mga ikinikilos ni Ms. Sanger.
Mula kanina, hindi s'ya mapakali. Pakiramdam ko may gusto s'yang sabihin o may kailangan s'yang sabihin sa akin. What then?
Napabuga na lamang ako ng marahas na hininga at sinundan ng tingin ang papalayong bulto ni Mr. Piero hanggang sa makalabas ito ng opisina ko.
Napamura ako ng mahagip ng paningin ko ang relong pambisig ko, what the hell? Tatlong minuto na lang ang natitira at magaala-una na ng hapon. May meeting pa akong kailangan puntahan.
Damn, Tanya!
Bakit kasi on leave ang babaeng 'yon at alam naman n'yang maraming kailangan asikasuhin dito sa kompanya. How messed this company without her presence, Martin is a piece of shit!
Anong ginagawa n'ya sa sekretarya ko at natuto na itong huwag pumasok? I grinned when a dirty thoughts entered my mind.
Holy, Yuseff... you're on your way to hell!
Napailing na lang ako at inayos ang mga dokumento sa ibabaw ng mesa ko at kinuha ang tuxido coat sa likod ng swivel chair.
Napatigil ako ng may tumilapong lunch box sa sahig galing sa lamesa ko—the lunch box that Camilla used to packed for me before.
“Eat well, Sir Denver!”
Napaangat ako ng tingin kay Ms. Sanger ng bigla nitong kinuha sa sahig ang lunch box at binasa ang sulat sa papel na nakadikit rito.
Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko at mas lalo lang itong uminit ng magtama ang paningin namin ng babaeng nasa harapan ko. Her eyes are teasing me and the way she gulped made me think that there's something she really wants to tell.
“Give that to me,” kalmadong saad ko at akmang kukunin sa kanya ang lunch box.
Kaagad na nagsalubong ang kilay ko ng bigla nitong inilayo at mukhang aasarin pa ako. What's with this woman? She's getting into my nerves.
Malakas itong napatawa, “galing 'to sa yaya mo, tama?” she continue laughing.
“Ano naman ang nakakatawa?” puno ng sarkasmo ang boses ko ngunit nagkibit-balikat lang ito.
“She’s kinda sweet, too sad she's just a maid. Nage-effort pa sayo, hanggang kasambahay lang naman.” With that, all the heat comes up on my head.
BINABASA MO ANG
Something In Between
عاطفيةHe wins over everything but lose for the first time just because of someone, someone who's nothing to compare with, someone who made him swoon over. Hate tears but he'll realize that he can't stop those warm liquids from streaming down his face. Nev...