Bagong taon, bagong pagkakataon. Pagkakataon na umusad at pagkakataon upang magpatuloy.
Bagong simula, pero itong puso ko, sa kan'ya pa rin umaasa.
Napahugot ako ng isang malalim na hininga. Patuloy ang pagusad ng negosyo ko at kinikilala na ito ng lahat maging sa labas ng bansa. Samantalang si dad, palabas na ng palabas sa mundo ng mga kilala at kinikilala.
Alam ko na hindi ko dapat ginawa 'yon sa kanya, pero wala akong sinabi patungkol sa kompanya niya. I just tell the truth that I'm not going to marry the heir of the Montefalco Jewelries.
Wala akong sinabi na ikakasira ng kompanya ng magkaibigang 'yon, masama ba kung kukumpirmahin ko ang totoo? Ang mali lang dito, naging masama ang imahe nilang magkaibigan sa publiko.
Kung dati pinamumunuan nila ang mundo ng mga negosyo't produkto, ngayon... mukhang tinatapakan na sila ng mga kinakawawang kompanya noon.
Pinalabas ng media na nagsinungaling si dad at ang mga Montefalco. Ang malala pa, pinalabas ng mga tao na masama ang dalawa, na sila ay mga manloloko.
Wala akong magagawa kung 'yon ang iisipin ng mga tao. Napansin ko rin nitong nakaraang araw na madalas uminit ang ulo ng matanda, na animo'y binagsakan ng langit sa laki ng problemang pasan nito.
Hindi ko naman kasalanan kung hinayaan niyang lumuwag ang turnilyo na nagsisilbing pundasyon ng lahat ng pinaghirapan niya. Ginusto niya rin naman ito kaya dapat lang na panindigan niya.
Kung sasabihin niya sa akin na hindi na niya ipipilit ag kasal at titigilan na nila ako ng mga Montefalco, I am willing to help. I can help them, kaso ang taas ng tingin nila sa mga sarili nila. Ayaw tumanggap ng tulong dahil takot malamangan. Napailing na lang ako. What a pity!
Maybe they have this huge friendship where dad is willing to put himself on the edge of a building where he doesn't care if he's going to fall just to save a friend. Or maybe, there's more than that, what else then?
Bakit parang takot si dad na hindi matulungan ang Samuel Montefalco na 'yon?
I took a deep breath and rolled my eyes. Well, that's not my business anymore. I do not care.
Napatigil ako ng tumunog ang telepono ko. Tanya was calling, agad ko itong sinagot.
"Sir Dk, magandang hapon po, kailangan po kayo ngayon dito sa kompanya. Kung wala po sana kayong ginagawa, pwede po bang pumunta kayo rito? Nandito po si Mr. Martin, may mahalaga raw na kailangan sa inyo."
"I'm here on the factory, Tanya. Just bring all the paper works on my home, bukas nalang ako pupunta d'yan. And don't worry about Yuseff, ako na lang ang bahalang kumausap sa kan'ya," sagot ko.
Ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking 'yon? Well, Yuseff Martin is a friend of mine. He owns the YM pharmaceutical, a chemist as well.
"Pero sir marami pong nagpapadala ng proposal at nagpapaset ng appointment para po makausap kayo. Panigurado na gusto nila kayong makausap para maging kasosyo sa negosyo, karamihan po kasi sa kanila ay mayari ng mga chemical products katulad po ng cosmetics at pharmaceuticals." saad ni Tanya.
Akala niyo sekretarya ko lang ang isang to, she graduated with a course of chemical engineering, kaya maraming alam tungkol sa negosyo at mga produkto ko.
Napabuntong hininga ako, "just set a schedule for tomorrow, bukas na ako pupunta riyan."
"Sige po sir. Teka, paano po 'yong mga aplikante na magta-trabaho sa enterprise?" Shit I almost forgot about it. I sighed.
BINABASA MO ANG
Something In Between
RomanceHe wins over everything but lose for the first time just because of someone, someone who's nothing to compare with, someone who made him swoon over. Hate tears but he'll realize that he can't stop those warm liquids from streaming down his face. Nev...