“Sir, nandito na po ang pina-deliver n’yong pagkain" napaangat ako ng tingin kay Tanya na kakapasok lang ng opisina ko.“Yeah, just put it on the the table,” sagot ko at agad na ibinalik ang atensyon sa ginagawa kong proposal.
It's been two months, dalawang buwan na matapos ang gulo sa gitna namin ni Nathan, dalawang buwan na ang lumipas noong huli akong umuwi sa bahay at dalawang buwan ko na s'yang hindi nakikita.
I missed her at kahit anong pilit ko na kalimutan siya, hindi ko magawa. Ang hirap, ang hirap kalimutan ang isang katulad niya.
Well, ilang beses na rin naman kami nagkita ni Nathan, lagi siyang pumupunta rito para kausapin ako. Pero hindi ko kayang makipag-usap sa taong sumira ng tiwala ko.
Sina Caleb, Aiker at Yuseff ay palagi ring nandito, gusto yatang kausapin ako para ayusin ang gulo namin ni Nathan.
They were my friend from MIT, Caleb is a lawyer and he's the owner of Cardinal Liqour Corporation.
Aiker is a doctor, owner of the Del Valle Hospital and Yuseff, a chemist and an owner of the YM Pharmaceutical.
And Nathan? A mechanical engineer—owner of the Jk widgets. Naging malapit siya sa mga kaibigan ko kaya lagi na rin namin siyang kasama.
For two months, ang tahimik ng buhay ko, binabad ko ang sarili ko sa trabaho at paggawa ng pabango.
God, talagang wasak na 'tong buhay ko, nasira na ang relasyon namin ni dad at ni Nathan. At heto pa, umaasa pa rin ako kay Camilla.
Napabuntong hininga na lamang ako at lumapit na sa mesa kung saan nakahain ang mga pagkaing pinabili ko.
"Sir Denver, hindi pa po ba kayo uuwi ng bahay n’yo? Hindi ba kayo nagsasawa sa pagkain na binibili niyo rito araw-araw?"
Mapait akong ngumiti. “I prefer this than living on that place, Tanya.” sagot ko bago sinimulan ang pagkain.
"Join me?" sambit ko.
“Po?” bigla kong naalala si Camilla. That's her favorite word, napangiti ako ng maalala ang unang araw na pagkikita namin. Naaalala ko ang maganda niyang mata, ang mukha niya at ang boses niyang kay sarap pakinggan, God!
“How cute,” sambit ko. Hindi ko na napigilan ang sarili na mapangiti. Heto na naman tayo sa mabilisang pagtibok ng puso ko.
“Po sir?” napatingin ako kay Tanya. Kitang-kita ko pa ang pamumula ng mukha nito.
Bago pa ako makasagot ay bigla namang tumunog ang telepono na kaagad namang sinagot ni Tanya.
“Yes? Dk enterpise on line."
"Hello, good morning. Yes? yes! I'll tell him immediately. Thank you so much! "
"Sir Dk, magandang balita po, na-aprove na po yung franchise deal ninyo wirh Mr.Sanger. Since wala na po siya, ‘yong tagapagmana po niya ang magpapatuloy. Actually po nakarating na po ang anak niya dito sa Pilipinas at gusto raw po nito na magkaroon na ng schedule 'yong dealing ninyo."
Napangiti ako. “Great, I'm free tomorrow. Just settle everything.”
“Copy sir.” sagot nito at agad na lumabas ng opisina ko. Hindi na naman kakain ang babaeng 'yon, uunahin na naman ang trabaho. Napailing nalang ako.
BINABASA MO ANG
Something In Between
RomansaHe wins over everything but lose for the first time just because of someone, someone who's nothing to compare with, someone who made him swoon over. Hate tears but he'll realize that he can't stop those warm liquids from streaming down his face. Nev...