Chapter 12

105 22 0
                                    


"Kuya?" napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng marinig ang boses ni Jonathan. Sigurado ako na makikipagayos na naman ang isang 'to.

Pakiramdam ko nawala na ang lahat ng galit ko sa kan'ya, hindi ko maintindihan kung talagang kahinaan ko ang pamilyang 'to o sadyang madali lang akong magpatawad.

Simula dati, gano'n ako. I always wanted to fix every bit of broken ones, specifically when it comes to this... family.

Tumayo ako at lumapit sa pinto at agad itong binuksan. Napangiti ito, "bro!" sambit nito.

Napatingin ako sa dala niyang inumin. Parang walang nangyari, bakit kasi kapatid ko pa ang lalaking 'to?

Hindi ako umimik at bumalik na sa harap ng computer ko. "Kuya papasok ako ha, baka bigla mo na naman akong suntukin." Nakakainis talaga itong si Nathan, ang lakas mang-asar.

Pinagpatuloy ko na ang paggawa ng proposal para sa business deal namin ni Mr. Sanger bukas.

"Ba't bigla ka yatang naging tahimik kuya? Gusto mo bang tawagin ko si Camilla para mas masaya?"

"Pwede ba Nathan, kadehan mo rin 'yang bunganga mo." sansala ko.

Napangisi ito at umupo sa kama ko. B'wiset talaga tong si Jonathan, napailing na lang ako at pinakalma ang sarili.

"Pwede ba akong magsalita dito sa intercom? Manghihingi lang ako ng yelo kay-"

"You dick!" kaagad na inagaw ko sa kan'ya ang intercom, mamaya ano pa ang sabihin n'ya rito at marinig pa ni Camilla.

Malakas naman itong tumawa na mas lalong ikinainis ko.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo? Mamaya na 'yan, inuman muna tayo." sabi nito at inihagis sa akin ang isang shot glass mabuti at nasalo ko ito.

Napabuntong-hininga ako at umupo sa tabi niya. Lumapad naman ang ngiti nito, minsan talaga hindi ko maiwasang magtaka sa totoong pagkatao ng kapatid kong 'to, parang bakla na hindi ko maintindihan.

"You're coming back, right?" seryosong tanong nito dahilan para mapabaling ang tingin ko sa kan'ya.

"No."

"Why not? Weird but this place is not a home without you." mapait lang ako ngumiti at isinalinan ng inumin ang maliit na baso.

"So you're the one who misses me?" I jokingly asked.

"No, she's the one who misses you."

"What do you mean?"

"You exactly know what I mean, brother."

"Can you just please go straight to the point? Babatukan na talaga kita." naiinis na sambit ko.

Ngumiti ito. "Hindi ka na galit?" Seryosong tanong nito. Napatigil ako, hindi na ba?

"Bakit kailangan mong gawin yo'n?" Balik tanong ko rito.

"I saw dad. He's like a crazy throwing all his things, not taking meals, and I caught him, planning to quit-slowly giving up on his life and all of his businesses. Kaya kahit alam kong mali, kahit alam kong masisira tayo, kahit alam kong magagalit ka, pinili ko pa rin na tulungan si dad. Hindi ko lang talaga inakala na iiwan mo ang pamilyang 'to."

Something In Between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon