“Sir, naayos ko na po ang business deal ninyo kay Ms. Sanger. At ang sabi po sa akin ng sekretarya n'ya, gusto nitong makilala ang buong Dk essence lalo na po kayo, sir.”
“What do you mean?” napabaling ang tingin ko kay Tanya na kasabay ko sa paglalakad palabas ng bahay.
“Harapin n'yo raw po s'ya sa tuwing may meeting kayo.”
I chuckled. “She's not going to tell me what to do, Tanya. She's just a business partner not a shareholders of my company.”
“Pero sir, tayo pa rin ang nakikinabang sa kan'ya.”
I sighed. “Let's see what I can do.”
Napangiti lang si Tanya bilang tugon. Kailangan ko munang makisama, we need her after all.
“Raven, napatawag ka?” napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses ni Camilla.
Sinong Raven?
“Talaga ba? Ewan ko sayo, umayos ka nga.” she was laughing.
Gano'n ba kasaya kausap ang Raven na 'yon? Hindi ko pa naririnig si Camilla na tumawa ng gano'n, ngayon lang.
Buhat-buhat pa nito ang plastic na may lamang mga basura. Hindi man lang n'ya ako napansin at dumiretso lang ito palabas ng gate.
“S’ya po ba si Camilla, sir?”
I bitterly smile, “she is.”
“Kaya pala mahal n'yo e, maganda.” Tanya giggled.
“Stop teasing me, Tanya.” walang emosyong saad ko at lumabas na rin ng gate. Kaagad rin naman s'yang sumunod.
Tanya knows all about her—no, she's actually the first person who discovered that I have this huge yet unexplainable feelings towards Camilla.
Seriously, my secretary? She knows me more than anyone, more that I could ever imagine.
“Nakaraan lang tayo nagkita tapos ngayon, gusto mo ulit na umuwi ako. Hindi naman gano'n kadali 'yon.” narinig ko pang saad ni Camilla.
“Oo nga pero may trabaho ako rito lalo na at bumalik na dito sa mansion ang amo ko.”
Bumuntong-hininga ito, “hoy, hindi ko maaaring iwan si sir Denver. At ang hirap na umalis dito.”
What does she mean by that?
Nagkatinginan kami ni Tanya at nakangiti pa ito sa akin na para bang tinutukso o kinikilig ito para sa akin.
Sinamaan ko lang s'ya ng tingin ngunit mas lalo lang lumapad ang ngiti nito.
“Namumula kayo sir.”
“Stop it.” saway ko rito.
Nagulat naman ako nang makitang nakatingin na sa amin si Camilla at halatang nagulat din ito.
Umiwas na lang ako ng tingin at umaktong walang pakialam. Tangina, ba't ba ang bilis na naman ng tibok ng puso ko? Tss!
“Raven, mamaya na lang ulit ha.” narinig kong sabi nito at kaagad na itinago sa bulsa ng pantalon ang telepono n'ya.
BINABASA MO ANG
Something In Between
Любовные романыHe wins over everything but lose for the first time just because of someone, someone who's nothing to compare with, someone who made him swoon over. Hate tears but he'll realize that he can't stop those warm liquids from streaming down his face. Nev...