"Punongkahoy"
O kay laki't taas naman,
Nitong punong nasa 'king harapan,
Sa tuwing ito'y aking pinagmamasdan,
Mga luha nito'y tila ba aking nasisilayan.
Hindi ko maintindihan noong una,
Kung ba't ito'y walang tigil sa pagluha,
Yun pala, ito'y nasa kaluwalhatian,
Dahil sa sakit at hinagpis ng kanilang kasalukuyan.
Batid natin ang kanilang kahalagahan,
Hindi lamang sa tao kundi sa buong sanlibutan,
Pero bakit patuloy pa rin tayo sa ating kasamaan,
Hindi lamang sa punongkahoy kun'di pati na rin sa iba pang nilalang.
O, mga tao hindi n'yo ba naisip,
Punongkahoy ay isa sa s'yang sasagip,
Sa lahat ng naka ambang panganib,
Nasa kahit sa panaginip hindi natin nabatid.
~L.A.M.
BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA- #Wattys2016
PoesieKung ika'y isang makata at naghahanap ng tula, halina't iyong basahin at bigyang pansin , ang mga tulang aking pinaghirapang gawin.