"Ang Aking Ina"
Ako'y may ina,
S'ya'y kahanga-hanga
'Di man s'ya perpekto,
Pero nag-iisa s'ya sa puso ko.
S'ya ang aking iniidolo,
Saapagkat s'ya'y isang masayahing tao,
S'ya din ay positibo,
At mapagmahal sa kahit kanino.
Ngunit may mga panahon talagang s'ya'y naiirita,
May panahon ding kami'y napapagalitan n'ya,
Pero 'di ko maipagkakaila,
Na s'ya ang dahilan ng aking pagtawa.
Pero isang araw ako'y nabigla,
Sa kung ano ang aking nakita,
Ito ang aking inang,
Tahimik na lumuluha.
Puso ko'y biglang kumirot,
'Di maiwasang 'di malungkot,
Sapagkat aking inang minamahal,
Hanggang ngayo'y 'di pa tumatahan.
Sarili ko'y'di napigilan,
Ako'y lumapit sa aking inang minamahal,
S'ya'y aking biglang niyakap at hinagkan,
Saba'y sabing,"Ina, anong problema?Tahan na."
='(
L.A.M.
BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA- #Wattys2016
PoesiaKung ika'y isang makata at naghahanap ng tula, halina't iyong basahin at bigyang pansin , ang mga tulang aking pinaghirapang gawin.