Sa dami ng ating mga pinagdaraanan,
Nais ko lang sanang malaman,
Ako lang ba,
O naranasan mo na rin ba?
Naranasan mo na ba,
Lumuha ng tahimik sa gabi,
Habang ang iba ay mapayapang natutulog,
Sa kalagitnaan ng gabi?
Naranasan mo na ba,
Ngumiti kahit sa loob ay masakit na?
Yung tipong gusto mo nalang na bumigay,
Sa halip na magpanggap na wala kang problemang dinadala?
Naranasan mo na ba,
Yung pakiramdam na walang nakakaintindi sa pinagdaraanan mo?
Na kahit sinasabi nilang naiintindihan ka nila,
Pakiramdam mo para bang hindi naman talaga?
Naranasan mo na ba,
__________________?
(A/N: Ikaw naman ang dumugtong. Ano-ano ang mga naransan mo na, na gusto mong ibagi sa iba? Nang malaman mo kung naranasan na rin ba nila.)
BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA- #Wattys2016
PoetryKung ika'y isang makata at naghahanap ng tula, halina't iyong basahin at bigyang pansin , ang mga tulang aking pinaghirapang gawin.