"Pag-ibig na di-masuklian"
S'ya'y nakangiti sa iyong harapan,
Ngunit sa 'yong pagtalikod s'ya'y luhaan,
Pilit tinatakpan kanyang kalungkutan,
Sa pamamagitan ng ngiting iyong nasisilayan.
Sa bawat araw na lumilipas,
Sakit ng puso n'ya'y walang kupas,
Ngunit ngiti n'ya'y patuloy pa ring lumalabas,
Kahit pa sa kabila ng kanyang dinaranas.
Pero,bakit nga ba 'di n'ya mailabas,
Kanyang pag-ibig na pinaniniwalaang wagas,
Dahil ba s'ya'y walang lakas?
O,sadyang ayaw n'yang pagkakaibigan nila'y biglang magwakas.
Ngunit,kung ano pa man iyan,
S'ya lamang ang tanging nakaka-alam,
Dahilan ng kanyang kalungkutan,
At solusyon sa sakit na kanyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA- #Wattys2016
PoetryKung ika'y isang makata at naghahanap ng tula, halina't iyong basahin at bigyang pansin , ang mga tulang aking pinaghirapang gawin.