"Manloloko"
Ako'y naniwala,
Sa kanyang matatamis na salita,
'Di akalaing aabot sa puntong,
Ako'y magluluksa.
Noon kasi ay sobrang tamis n'yang magsalita,
Ako lang daw ang babaeng kanyang nakikita,
At wala na s'yang ibang hiniling,
Kun'di masungkit ang aking damdamin.
Ako'y labis na natuwa,
At 'di kalauna'y tuluyan ng naniwala,
'Di maipagkakailang ako'y nahulog na nga,
Sa kanyang matamis ngunit makamandag na salita.
Ngunit isang araw ay aking nakita,
'Yung lalaking sumumpang dadalhin ako sa dambana,
Na may ibang babaeng hinaharana,
At ang malala'y kakilala ko pa.
S'yempre ako'y nasakta't napaluha,
Sa katotohanang aking nakita,
Tama nga ang nasagap kong balita,
Tapat at totoong lalaki'y mahirap ng makita.
Kaya sa aking pagmumuni ay aking napagtanto,
At nasabi sa 'king sarili na ito'y kasalanan ko,
Dahil ako'y naniwala't nagpa-uto,
Sa isang lalaking manloloko.
~L.A.M.
___________________________
BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA- #Wattys2016
PoetryKung ika'y isang makata at naghahanap ng tula, halina't iyong basahin at bigyang pansin , ang mga tulang aking pinaghirapang gawin.