52:

1.6K 182 4
                                    

Sila yung mga taong gumigising ng maaga,
Upang maghanda at pumasok sa eskwela,
Yung mga taong nag-aaral kahit gabi na,
Para lang may maisagot sa pasulit ng guro nila.

Sila yung mga taong kahit pagod at inaantok na,
E pinipilit pa ring taposin ang projects at assignments nila,
Para lang may maipasa,
At makakuha ng malaking marka.

Sila yung mga taong nagiging masaya,
Sa t'wing nalalaman nilang pasado sila,
Mga estudyanteng ang hangad ay makuha ang diploma,
At makapagtapos ng eskwela.

MGA TULANG AKING LIKHA- #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon