59:

1.5K 161 1
                                    

Pagkatapos ng araw na ito,

Alam kong marami ang magbabago,

Hindi lamang sa aming mga tagpo,

Kundi pati na sa aming pakikitungo.


Marami ang lilisan,

At pupunta ng ibang bayan,

Upang doon ay subukan,

Ang hinanda ng kapalaran.


Ngayon,sa paglipas ng mga taon,

Mga buhay namin ay malalagay sa iba't-ibang sitwasyon,

Yung iba'y magiging abala na sa kanilang mga propesyon,

Habang yung iba nama'y patuloy pa rin sa paghahanap ng tamang direksyon.


At sa panahon  ng aming muling  pagkikita,

Sana ay aming magunita,

Ang mga alaala,

Noong kami ay 'high school' pa.

MGA TULANG AKING LIKHA- #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon