"Siyudad"
Sa t'wing naririnig ko ang salitang s'yudad,
Paghanga sa mga mata ko'y walang katulad,
Naiisip ko kasi na ito ang tahanan ng pag-unlad,
At dito ang pangarap mo'y parang kay lapit lang sa realidad.
Kaya ako'y nangarap na balang araw sana'y mapadpad,
Sa lugar na kung tawagin natin ay s'yudad,
Sapagkat ako rin ay may sariling hinahangad,
At yun ang maranasan kung paano mamuhay sa isang s'yudad.
Kaya anong galak nalang ang aking nadama,
Nung sa s'yudad ako'y kanilang isinama,
Ngunit pagdating namin dun ako'y nadismaya,
Sa kung ano ang nakikita ng aking mga mata.
Oo,masasabi ko ngang sila'y umuunlad,
Dahil sa nagtataasang mga gusali't palapag,
Ngunit di maipagkakailang magulo ang kanilang komunidad,
At yan ang dahilan kaya ako ngayo'y nababagabag.
Ngayon ay alam ko na,
Probinsya nga'y likas na maganda,
Kung sa s'yudad man ito'y di maikukumpara,
Pagdating sa magagandang bagay naman ito'y nangunguna.
_____________________________________________
A/N:
Hi po.^_^
Salamat ulit sa lahat ng sumusuporta at nagbabasa ng "Mga Tulang Aking Likha",dahil po sa inyo ay patuloy tayong umuusad dito sa mundo ng wattpad.Salamat po ulit.^_^
BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA- #Wattys2016
PuisiKung ika'y isang makata at naghahanap ng tula, halina't iyong basahin at bigyang pansin , ang mga tulang aking pinaghirapang gawin.