131:

459 19 1
                                    

Sa bawat araw na tayo'y nagkikita,
Ngiti sa mga labi ko'y di mabura-bura,
Lalo na nung araw na iyong ipinadama,
Na tayo'y parehong may pagtingin sa isa't-isa.

Emosyon ko ng mga panahong yun ay di maipinta,
Para akong nakalutang sa tindi ng aking nadarama,
Paano ba naman kasi, hindi ko inakala,
Na bibigyan ako ng pansin ng magandang likha ni Bathala.

Ngunit isang araw ako'y nagising at nabigla,
Hindi mawari kung saan nagkamali't nagkasala,
Sapagkat ang nilalang na likha ni Bathala,
Ay s'yang dahilan kaya ako ngayo'y lumuluha.

Paano ba naman ay aking natutunghayan,
Mga matatamis na ngiti na kanilang pinagsasaluhan,
Isama pa ang masakit na katotohanan,
Na ang kanyang kaharap ay ang babaeng kinahuhumalingan ng karamihan.

Nakakatawang isipin na kung noo'y para akong nasa tala,
Ngayon nama'y para akong ibinagsak sa lupa,
Ano nga bang pumasok sa isip ko at ako'y naniwala,
Sa isang 'paasa' na wala kahit isang salita.

---------------------------------------------------------

~belle
~LAM. =)

MGA TULANG AKING LIKHA- #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon