Hindi porket mayaman ka,
E pwede mo ng apakan ang iba,
At ipamukhang sobrang baba nila,
At walang karapatang sumaya.Hindi porket maganda ka,
E pwede mo ng laitin ang iba,
Na pangit ang kanilang mukha,
At wala ng pag-asang gumanda pa.Hindi porket matalino ka,
E pwede mo ng sabihing bobo ang iba,
Lalo na yung di nakapag-aral,
At nakapagtapos ng eskwela.Tandaan mo na may puso rin ang gaya nila,
At sa ginagawa mo'y nasasaktan sila,
Kaya deskriminasyon sana'y pigilan na,
Upang wala ka ng masaktan pa.
BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA- #Wattys2016
PoésieKung ika'y isang makata at naghahanap ng tula, halina't iyong basahin at bigyang pansin , ang mga tulang aking pinaghirapang gawin.