Dumating ka sa panahong ako'y nalulumbay,
Presens'ya mo ang nagpabalik sa sigla kong taglay,
Ang iyong mga salita ang ginawa kong gabay,
Upang ako ay maniwala ulit sa isang 'bagay'.Bagay na hindi ko masyadong maintindihan,
Bagay na maaaring ako ay masaktan,
Bagay na talaga namang gusto kong paniwalaan,
Ngunit natatakot na baka ito'y walang katotohanan.Alam kong ikaw ay isang estranghero,
Na dapat ay hindi pagkatiwalaan ng buong-buo,
Ngunit ito'y isinawalang bahala ko,
Sapagkat sa t'wing kausap kita ay nadarama ko,
Ang senseridad sa bawat salitang sinasabi mo.Mali man kung tingnan ng karamihan,
Na ako ay humanga sa taong walang pagkakakilanlan,
Ngunit ito ay aking isasawalang bahala at di idaramdam,
Sapagkat alam kong ikaw ay 'totoo' kahit pa sa chat lang tayo.
BINABASA MO ANG
MGA TULANG AKING LIKHA- #Wattys2016
PoetryKung ika'y isang makata at naghahanap ng tula, halina't iyong basahin at bigyang pansin , ang mga tulang aking pinaghirapang gawin.