CHAPTER 5

93 3 0
                                    

Kalixta's POV

AWKWARD

That's the only word that I can describe right now.

Pansamantala kaming nasa byahe ni Sir Sandro papunta sa restaurant kung saan nya ime-meet yung mga kaibigan nya.

Walang nagsasalita sa aming dalawa simula nung makapasok kami sa sasakyan nya.

Tutok na tutok lang sya sa pagmamaneho nya samantalang ako ay nakatingin lang sa labas.

Amoy na amoy ko ang pabango nya tonight. Sobrang bango. Akala ko amoy Johnson's Baby Powder, hindi pala. Amoy expensive.

"Uh, are you okay?" Finally! Pambasag nya sa katahimikan naming dalawa.

"Yes Sir." I answered him first before flashing my warmest smile to him.

He only smiled back at me tsaka bumalik na naman sa daan ang attention nya.

We arrived at the restaurant kung saan nandoon ang mga friends nya. Nanginginig ako sa takot kase first time ko tong ma meet ang mga friends nang isang Sandro Marcos.

Halatang-halata na palagi na siyang kumakain dito sa restaurant na ito kase kilala na sya ng guard dito and may isang waitress na lumapit sa amin at sinenyasan kami na doon sa bandang kanan pumunta.

We entered into a VIP room. Of course, ano pa bang aasahan ko sa isang Sandro Marcos. Need nya rin ng privacy sometimes na kailangan nating irespect.

The moment we entered the room, nakita ko ang mga taong nakaupo doon sa long table which I assumed na mga kaibigan yun ni Sandro. Medyo nakaramdam ako ng hiya the moment I saw them kase sobrang expensive.

"Hey man! There you are!" The boy in a gray suit greeted him. Tumayo ito at lumapit sa amin habang kami ay naglalakad papunta sa kanila.

Nanatili akong nakasunod sa kanya sa likod while watching them greeting each other.

"Hey! How's the whole week?" Sandro asked the boy while doing the fist bump.

"Nakakastress syempre pero fulfilling naman at the end of the day." Sagot naman nung lalaki.

"Hey Sands! How's life?" A girl with blonde hair and paired-brown eyes meet him and tiptoed to kiss him on the cheeks.

She's beautiful. She really is. Mas matangkad sya sa akin and halata lang na may lahi tong babaeng to kase iba yung figures niya.

"Hello Julia! Ayan, life pa rin. Walang nagbabago." Sabi nya sa babaeng Julia ang pangalan at sabay silang tumatawa.

Na-awkward na talaga ako here kase parang hindi nila ako napansin. Like, hello! I'm here guys, talk to me naman.

Nabuhayan ako ng loob ng biglang tumingin si Sandro sa akin.

"Uh guys, I just want you to meet Kalixta Antoinette Faye Conception. She's my secretary and...... and..... yeah you guys already know. Anyways, can we take our seat now?" Sandro asked them and halatang-halata sa mukha nya na parang nahihiya sya and kinakabahan sya sa pagpapakilala sa akin

Kinakahiya ba nya ako? Bakit ba kase kailangan pa nya akong isama dito eh parang wala namang meeting na magaganap kase halata naman na nag u-unwind lang naman tong mga taong 'to.

He offered me a seat which I acccepted na rin. He sat on my left side tsaka on my right side is the girl na yung Julia ang name.

I looked at her and smiled at her awkwardly. Ang ganda nya talaga.

"Hi! Finally nice to meet you. I'm Julia, by the way." She smiled and offered her hand to me. I accepted it naman and smiled.

"Hello! I'm Kalixta. Nice to meet you too." Sagot ko na rin sa kanya.

My Clarity not a Tragedy (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon