CHAPTER 13

60 13 5
                                    

                         TEMARIE

"Ilang beses ko ng itinuturo sa iyo 'yan" Tila kunsuming kunsuming saad ni Dawzon

'Halos putulin ko na ang ballpen na hawak ko dahil sa pagiging kabisote ko.'

"Mamaya na ang remidial mo kaya dapat lang na aralin mong mabuti ang sinasabi ko,"

'3 days na ang nakakalipas simula ng manggaling kami sa kumbento at nandito kami sa loob ng library habang tinuturuan niya ako. Para na din siyang engot na bulong ng bulong. Siguro ay bukod sa librarian kaming dalawa palang dito sa school. Alas otso kasi ang take ko sa Biology at mamayang hapon ko naman ite-take ang isang bagsak ko. Mabuti nalang din naibalik na sa akin ang motor ko. Ipinadala iyon sa akin kahapon sa apartment.'

"Lagi mo lang tatandaan ang mga keywords. Lahat ng tanong sa exam ay may mga keywords at iyon ang magiging hint mo para masagutan ang questions," Muling saad nito atsaka kinuha ang isang libro at sinimulan niya iyong basahin.
"Tingnan mo ito" Atsaka niya inilapag ang librong hawak niya at may itinuro duon
"Tandaan mo ang sentence na ito atsaka ang naka underline na ito" Atsaka niya iyon itinuro. Binasa ko lang iyon at pilit na tinandaan.
"Basahin mo ngayun ito" Nilipat niya iyon sa kabilang page atsaka may itinuro.
"Anong napansin mo? " Tanong nito sa akin habang nakaturo ang kamay nito sa questions.

"Magkahawig ang tanong sa pinabasa mo sa akin kanina" Seryosong saad ko

"Tama, iyan ang tinatawag na keywords. Malalaman mo ang answer sa pamamagitan ng keywords" Nakangiting saad nito

'Nakuha ko ang sinabi niya'

"Marunong ka naman palang umintindi kahit na hindi linawin" Tatawa tawang saad nito. Kinunutan ko lang siya ng noo atsaka ipinagpatuloy ang pagbabasa.

'Hahayaan kitang pagtawanan ako sa ngayun, hanggat tinutulungan mo ako. '

"How did you that? " Bigla nanamang saad nito. Tiningnan ko lang siya ng may pagtatanong.
"Iyang ginagawa mo sa ballpen?, Paano mo iyan ginagawa? " Curious na tanong nito
"Kanina ko pa tinitingnan iyang kamay mo.Paano mo ipinapaikot iyan sa mga daliri mo?"

'Napatingin ako sa hawak kong ballpen. Hindi ko alam na naging manarism ko na ang pag pe-pen spinning at nagsimula ito nung nagsusulat ako ng kanta at nuong nasa kumbento pa ako. '

"Pen Spinning ang tawag diyan diba?" Muling tanong nito.

'Paano ako makakapag review kung mayat maya ay kinakausap niya ako'

Itinaas ko ang librong hawak ko atsaka iyon ipinakita sa kaniya.

"Sabi ko nga nag re-review ka" Kakamot kamot sa batok na saad nito

Ipinagpatuloy ko na lang muli ang pag re-review. Naalala ko na bukas na pala muli ang laban ko. Nagpunta kaninang umaga sa apartment ko si Kuya Ardean para sabihin ang laban ko at para ibigay din sa akin ang isang cellphone. Ibinalibag niya pa sa akin iyon dahil dinadayo niya pa daw ako, pwede naman daw sabihin na lang sa cellphone. Tsk!.

Halos kalahating oras ang itinagal namin sa library bago kami dumeretso sa classroom.

"Good Morning Temarie" Nakangiting pagbati sa akin ng classmates kong si Cadelle. Hindi ko
siya pinansin at dumeretso sa upuan ko. Rinig ko ang pagbati nito kay Dawzon.

'Tsk! '

Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na ang Prof namin.

"Good morning class" Pagbati nito kasunod nito ay ang pagbati din ng mga classmates ko. Umupo ito at ipinatong ang bag at librong hawak nito sa desk.
"Lahat ng nasa last row ay tumayo at lahat ng mag re-remidial ay umupo sa last row" Hindi na ako umalis sa kinauupuan ko. Hindi lang pala ako nag iisang mag re-remidial kundi lima kami.
"Magbibigay ako ng short quiz sa inyo and that quiz is only to write a sentences.Kayong kumukuha ag re-remidial ay sasagutan niyo din ang quiz na ibinigay ko sa kanila pagkatapos ninyong mag exam. " Seryosong saad nito
"Sagutan niyo iyan ng may katahimikan ng makapag focus ang mga classmates niyo sa kanilang remedial. To all students at the back, I will no longer give you a third chance. Second take is enough. If you failed, that's not my problem anymore... Now answer your paper while zipping your mouth." Seryoso muling saad nito atsaka ito nag focus sa ginagawa niya. Isa isa kong binasa ang mga tanong sa test paper.

Thirty Seconds Of Courage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon