CHAPTER 15

69 12 2
                                    

                        ZOXXIEN

Magsisimula na ang first period pero wala parin si Temarie. Wala naman siyang sinasabi sa akin kahapon na a-absent siya sa klase. Nakalimutan kong kuhanin ang cell phone number niya para naman matawagan ko siya.

"What's the matter? " Ibinaba nito ang librong binabasa niya. Siguro ay napansin nito na hindi ako mapakali sa upuan.

"Wala naman"

'Late na ang isang iyon sa first subject. Naghahabol siya sa klase pero nagawa niya pang umabsent. Ibang klase talaga ang babaeng iyon'

"Good morning class" Pagbati ni Ma'am Gretha ng makapasok ito sa classroom. Siya din ang adviser namin. "Mag che-check muna ako ng attendance" Saad muli nito. Inilapag nito ang attendance book atsaka ito isa isang nagtawag ng pangalan. Natapos ang attendance ng hindi natatawag ang pangalan ni Temarie. Nakakapagtakang hindi iyon binanggit ni Ma'am Gretha.

"Next week na ang simula ng school events ninyo. Kumpleto na ba ang lahat ng participants Cadelle?. Kailangan ninyong salihan ang mga clubs and contest dahil malaki ang makukuha ninyong incentives." Saad nito

"Ka che-check ko lang po Ma'am, may isa pa po tayong kulang. " Saad nito

"And what it is? "

"Singer po Ma'am. Wala pong lalaban para sa singing contest. Last year po ay ganito din ang nangyari. Disqualified po kaagad ang section natin. Lahat po ay kasali sa mga clubs and contest maliban po kay Temarie."

'Singing contest?'

"She's always been like that. We are all knows that." Saad ni Ma'am Gretha. Tumayo ako atsaka lumapit sa desk ni Ma'am.

"I suggest Temarie, she had a great voice Ma'am" Saad ko. Lahat sila ay tiningnan ako ng may pagtataka. Lalo na si Ma'am Gretha.

"How did you know? Did you hear her singing?" Tanong nito. Tumango ako bilang pagsang ayon.

"Aksidente ko pong narinig ang boses niya habang kumakanta siya" Bakas parin ang pagtataka sa mukha nito

"From where?"

Tiningnan ko ang mga classmates ko na kasalukuyang nakikinig sa usapan namin ni Ma'am Gretha. Hindi siguro sila naniniwala sa sinasabi ko. Baka ang nasa isip nila ay pinagti-tripan ko lang si Temarie.

'Kapag sinabi ko naman na narinig ko iyon nuong nasa apartment ako ni Temarie baka kung ano ang isipin nila.'

Napalunok ako dahil sa tanong na iyon ni Ma'am Gretha.

"Hmm okay, Cadelle list down her name. Chance niya na din iyan para makakuha ng incentives in every subjects. Her remedial on my subject is failed again. Gagawin kong points sa TOR niya ang pagsali niya sa contest para maipasa niya ang bagsak niya sa akin,"

'Failed? Again?. Hindi ba ako ganun kagaling magturo at hindi niya naipasa ang History. Ang tagal naming nag re-review pero hindi niya naipasa iyon'

"His guardian gives us an excuse letter yesterday. As you can see she's not here and that's good. If she's here, she definitely decline the contest. Hindi mapipilit ang batang iyon sa bagay na ayaw niya kaya Dawzon you are incharge to make her join into the contest. I am her adviser but I can't do anything to my students" Iiling iling na saad ni Ma'am Gretha

'Tama si Ma'am Gretha. Last year kasi ay talagang pinipilit siya ni Ma'am Gretha na sumali sa pag o-organize ng isang booth. Actually nakalista na ang pangalan niya that time. Pero ng dumating ang araw ng event ay walang Temarie na lumitaw. Kahit saan ay hindi siya sumasali, pagdating naman sa group activity ay tahimik lang ito. Tsaka lang siya tutulong kapag sinabi ng groupmates niya.

Thirty Seconds Of Courage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon