[PAGPAPATULOY]
"Naipagpaalam na kita. You know what I mean by that," Hiyaw ni Kuya Ardean habang kasalukuyang nagmamaneho. Magkatapat kami habang parehas kaming nagmamaneho sa kaniya kaniya naming service.
'Ano nanaman kaya ang idinahilan niya sa pag absent ko. Kadalasan kasi ay puro LBM at lagnat ang idinadahilan niya kapag nata-timing na may laban at pasok ako. Mabuti nalang at naniniwala ang mga prof ko sa mga dahilan niya'
Sakay ng motor ko ay nag over take ako at nauna na sa pupuntahan namin. Kaygandang tanawin ng mga nadadaanan namin. Puro berde ang makikita sa kapaligiran,nakaka relax din ang simoy ng hangin. Bukod duon ay nakaka aliw din ang pa zigzag na daan.
'Kailangan ko din kaagad pumasok bukas dahil naghahabol ako sa dalawang subject.'
"Good afternoon everyone. Today we're all witnessed again the battle between fist to a fist. A battle in which only strong will stay." Saad ng referee.
"A battle that we're all waited. Let us all welcome the blue corner and the title holder Temarie " Hiyaw nito. Lumabas ako mula sa entrance ng underground at deretsong tumungo sa entablado kung saan kasabay ko si Kuya Ardean. Napuno ng hiyawan ang buong underground ng lumabas ako."TEMARIEEE! TEMARIEE! TEMARIEEE!" Malakas na hiyawan ng mga manunuod
"And now let us all welcome the red corner the contender! Gaylane"
Napuno muli ng hiyawan ng lumabas ang makakalaban ko. Malaki ang katawan nito kumpara sa akin. Mas mataas din ito kung tutuusin.
"Watch every single steps of your opponent, mukhang hindi madali ang isang iyan" Saad ni Kuya Ardean atsaka iniabot sa akin ang mouth guard.
'May punto ang sinabi ni Kuya Ardean'
"Here's the rules of this game. You only have given a 3 rounds. First round are having a 30 minutes and for the second round you only have 20 minutes and for the 3rd round you have 10 minutes . The person who's knockdown shall be call defeated and who wins shall get the winning prices. Goodluck ladies"
Tinawag kami ng referee sa gitna ng ring kung saan magsisimula na ang laban.
"Second out" Saad nito sa mga coach namin na nasa loob parin ng ring. Ng makababa ang mga ito ay bumaling ito sa amin
"Are you ready ladies?"Tanong nito. Sabay kaming tumango ng kalaban ko.
"FIGHT!" Saad nitoKasabay ng pagsenyas ng kamay nito ay ang pagtunog ng boxing bell.
Tumalon talon ako atsaka iki-nover ang aking sarili ng magsimula itong umatake. Sa paraan ng pagsuntok nito ay masasabi kong malakas siya. Pahaging lang suntok nito pero may impact at bigat iyon. Panay ang pagsuntok nito na nasisiguro kong pinag aaralan nito ang mga bawat galaw ko. Tumalon talon ako atsaka mabilis na pinag ku-krus ang dalawang paa ko ng sa gayun ay hindi niya mabasa ang mga kilos ko. Mabilis ang naging galaw at pag ilag ko.
'Magiging matagal ang labang ito. Sa larangan ng pakikipagsuntukan ang puhunan mo dapat ay tibay ng katawan at diskarte. Hindi ka pwedeng basta suntok ng suntok lang kailangan mo munang pag aralan ang bawat galaw ng kalaban mo.'
Sa pamamagitan ng pag depensa ay nalalaman ko ang bawat galaw nito. Sa pagsuntok at pag galaw nito ay alam ko na kaagad ang strategies niya.
Hindi kaagad ako nakakilos ng bigla itong mag iba ng dereksyon. Ang kaninang magka krus na paa niya ay biglang nagbago ng istilo. Mabilis nitong ibinaba ang kaniyang isang tuhod atsaka mabilis itong sumuntok. Tila namanhid ang pisngi ko dahil sa pagkakasuntok niya at muntik nadin akong bumagsak mabuti nalang at nakahawak kaagad ako sa ring rope.
"WOOOOOOOOOOHHHHHH!" Malakas na hiyawan ng mga manunuod
'Hindi ko inaasahan na mag iiba ang istilo ng galaw niya. Hindi niya iyon ipinapakita kanina at natitiyak kong sinasadya niya ang sunod sunod na pagsuntok sa akin kanina para maitago ang tunay na galawan niya. Hindi ko akalaing magaling siya.'
BINABASA MO ANG
Thirty Seconds Of Courage
Teen FictionConfession isn't easy. You might encounter rejections. How can I confess my unsaid feelings? Is thirty seconds worth to risk for? A/N: Binago ko ang BC and also the title. This is a slow paced, don't get bored hehe. (SLOW UPDATE) 8-9 PM UPDATE. DAT...