Prologue

340 17 0
                                    

Prolonged~~¤~~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prolonged
~~¤~~

Nagagalak ang lahat ng isilang ng Reyna ang sangol na babae. Maging ang kalangitan ay pawang nagagalak, lumitaw ang bahaghari, na tila binabasbasan ang bagong silang na sangol, maging ang mga ibon ay nagkakantahan, mga usang nag hahabulan, at mga bulaklak na namumukadkad ay pawang nasisiyahan. Napaka ganda. Napaka gandang pagmasdan.

Hindi mapagsidlan ng tuwa ang mga mamayan, maging ang Hari nang makita nito ang munting prinsesa na kanyang tangan. Dahan dahan nitong hinaplos ang munting muka ng sangol. Napaka ganda! Yan ang bigkas ng hari sa isipan nito.

Ang munting bata na tangan tangan nya ang may pinaka makapangyaring nilalang dito sa magical world ayon sa propesiya.

Ayon sa alamat ang unang anak ng sinaunang Reyna at Hari ng Magical Kingdom ang mag tataglay ng lahat ng kapangyarin at tatapos sa kasamaan.

At iyon nga ang anak ng Hari at Reyna.
Kalat na ang propesiya sa buong magical kingdom. 

"Dumating na ang taga pagligtas." masayang pamalita ng isang lalaki na sayang saya na tumatakbo sa centro ng lungsod.

"Ipinanganak na ang itinakda" sigaw nito.

Makikita sa mga mukha ng mga mamayan na nagagalak sila sa pag silang ng kanilang reyna at pag sa dating ng prinsesa sa kaharian ng Magia ang pinaka malaking kaharian sa buong magical kingdom.

Hindi ito nagustuhan ng mabalitaan nang Reyna ng kadiliman. Ang nagiisang may maitim na budhi at nag dadala ng kaguluhan dito sa magical world. Ang Reyna ng kadiliman ay gustong sakupin at pamunuan ang buong magical world. Ngunit mangyayari lang yun kung mapapatay nya ang itinakda na tatapos sa kanya ayos sa propesiya.

"Mahal kong Reyna ano ang ngalan ng ating anak?" masayang tanong ng hari sa asawa nito.

" Alisha Kat--"

"Bogsshh"

hindi na natapos ng Reyna ang sasabihin ng makarinig sila ng sunod sunod na malalakas na pagsabog na yumanig sa buong kaharian. Nabahala ang hari't reyna sa mga pagsabog nanarining.

"Mahal na Hari, Mahal na Reyna." humihingal na wika ng isang kawal at yumuko ito bilang paggalang.

"Ano ang nagyayari sabihin mo!" tanong ng hari.

" Mahal na Hari nilulusob po tayo ng mga Dark magician." wika nito na may halong takot.

" Hindi maari! Wala na ang babaing iyon" galit ngunit kabadong wika ng Reyna. Lumingon ito sa Hari na may pag alala. Pag alala na baka ang pakay ng mga black magician ay ang prinsesa.

"Dito ka lang Mahal kong Reyna" sabay halik dito at sa prinsesa.

Nag mamadaling nilisan ng Hari ang kwarto kung nasaan ang kanyang mag-ina.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ay patibong lang iyong pag sabog.

Dahil sa wala ang Hari, mabilis na nakapasok ang reyna ng kadiliman sa palasyo.

Naramdaman ng Reyna ang presensya ng babae kaya tinawag nya ang isang babaing tagapag silbi upang itakas ang prinsesa.

"Alagaan mo ang Anak ko. Ituring mo s'yang bilang anak mo. Pupunta kayo sa mundo ng mga tao upang mag tago." mahabang pahayag ng Reyna sa babaing tapagsilbi.

Gumawa ang Reyna ng isang portal na kunektado sa Mortal World, ang mundo para sa mga tao.

"Ingatan mo ang Anak ko, palakihin mo s'ya ng may mabuting loob."  umiiyak na pahayag ng reyna sabay halik sa noo ng prinsesa.

May sinuot ang Reyna sa sangol na mag proprotekta dito.

Hindi lingid sa kaalaman nila na naka pasok na pala ang reyna ng kadiliman sa kwarto at mabilis na sinak-sak ng patalikod ang Reyna.

"Hindiii" sigaw ng tapagsilbi ang akmang lalapit ito upang ipag tangol ang kanyang reyna ngunit, pinigilan ito ng reyna at sininyasan na pumasok na sa loob ng portal.

Nakita ng babae kung pano mag palabas ng kapangyarihan ang reyna laban sa reyna ng kasamaan. Wala itong magawa kahit gusto nyang tulungan ang reyna ngunit kaylangan nya mailayo ang princessa.

Pumasok ang babae sa loob ng portal at nilamon ito ng liwanag. Pinangako ng babae na mamahalin nya ang prinsesa at aalagaan alang alang sa Reyna.

~>¤<~

The Powerful Princess of Golden Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon