CHAPTER 4: NECKLACE

119 9 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mrs. Velasquez's PoV

Nararamdaman ko kumikilos na ulit sila.
Nag paparami, Nag papalakas.

Marami nading mga batang half-blood ang mga dinudukot dito sa mortal world.

Marahil nararamdaman nila na hindi normal na tao ang mga ito.

Dilikado pag nakuha nila ang Prinsesa.

Napapanahon na upang ibigay ko kay Ali ang kwintas na ibinigay ni Queen Lea upang protectahan s'ya nito.

Hindi na ligtas, hindi na ligtas ang mortal world para kay Ali.

Nababahala na rin ako sapagkat ilang araw nang may nag mamasid sa labas.

Mabuti na lang ginawan ko ito ng barrier laban sa mga dark magician. Hindi lang isa, marami silang naka-abang.

Alam kaya nila na si Ali ang prinsesang itinakda ng propesiya. Dyos ko! sana hindi.

Wala narin akong balita sa Magical Kingdom magbuhat noon. Ang huling balita ko ay nagalit ang Hari ng makitang wala nag buhay ang reyna sa sahig. Hinanap din n'ya ang prinsesa ngunit walang nakakaalam.

Dahil sa galit tinawag ng hari si Knight ang puting dragon na nag proprotekta sa palasyo maging sa magical world.

Si Knight ay isang puting dragon na regalo ng mga god and goddess kay queen Lea, sapagkat napa munuaan n'ya ng maayos ang magical world noong unang panahon.

Ang hari't reyna, maging ang prinsesa ay mga immortal. Hindi sila namamatay, maliban na lang kung ito ay lalasunin o kaya ay may matindin lason ang mga patalim na isasaksak dito marahil iyon ang ikina matay ng reyna.

Dahil sa galit ng Hari, tinawag n'ya si Knight ang puting dragon. Natalo ang mga dark magician dahilan upang mapa atras ang iba sa digmaan.

"Mom! yung niluluto mo na susunog na!"
sigaw ni Ali.

Tiningnan ko yung ko yung niluluto ko at subrang itim na nga nito.

"Nako! anak hindi na natin 'to makakain." napa ngiwi ako sa subrang itim nito.

"Mom, okay kalang po? tulala ka kasi, habang nag luluto, may problema po ba mom?" nag aalalang tanong ni Ali.

Pinatay ko yung niluluto ko at tumingin kay Ali.

"Anak, dito kalang may ibinigay ako sayo." agad na iniwan ko ito.

--------

Alisha Kate's Pov

Ano kaya ang ibibigay ni mommy?.. Pero lately napapansin kong napapa dalas ang pag space out n'ya.

Minsan hindi mapakali parang pusa na manganganak. Tapos ang dami na ding bawal tulad na lang ng pag alis ko ng mag isa, bawal na din akong lumabas ng walang paalam o kasama.

The Powerful Princess of Golden Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon