Chapter 7- 𝙷𝚞𝚛𝚝𝚎𝚍

101 6 0
                                    

Dahil sabado ngayon at nabobored ako sa bahay kasi wala si Elthon naisipan kong pumunta sa mall para bumili ng mga pagkain at mga libro na babasahin ko.

At dahil malapit lang yung mall sa condo syempre nilakad ko nalang sayang pamasahe.

Habang naglalakad ako ay may nadaanan akong isang bookstore, naengganyo akong tignan kung ano anong mga libro ang naroroon. Habang tumitingin ako ng mga bibilhin kong libro ay nakita ko si, Elthon?

Nagtago ako at sinundan ko siya. Ang gwapo talaga ng lalaking ito kahit nakatalikod. Gugulatin ko sana siya pero ako ang biglang nagulat sa mga nangyari.

There was this girl na biglang tinapik siya at hinalikan. And worse, pumikit si Elthon as he kissed back that girl. F*ck sinasabi ko na nga ba at nagsisinungaling lang siya. I also gave my virginity to him. Napaluha nalang ako sa aking mga nakita.

Pagmulat ni Elthon ay nakita niya ako. I saw his face with a wide shock. He was about to call my name when I ran away pabalik sa condo.

F*ck Elthon why?! Oo na sabihin niyo nang marupok ako, pero don't judge me! I'm just inlove with the wrong person.

Papasok na sana ako sa kwarto nang bigla akong yakapin ni Elthon. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at humarap ako sa kanya sabay sampal.

"F*ck you and your sh*tty promises! Kapal naman ng mukha mo noh? Elthon! I gave up myself on you, kahapon palang tayo naging magjowa yet your cheating? Haha oo nga naman, your ELTHON MILLER" paiyak kong sabi.

"Baby let me ex-"

"Shut up, I don't need your explanation. Tama na yung nakita ko, kawawa naman ako noh? Naging marupok ako ng dahil sayo, mamahalin na sana kita pero ganito lang pala mangyayari, i hope you two are happy with each other."

Sabay labas ng condo na umiiyak. Pumunta ako sa convenience store at doon bumili ako ng sandamakmak na beer tsaka uminom. Wala akong pakealam kung dito man ako makatulog, ayokong makita ang pagmumukha ng gag*ng yun.

Umiiyak ako when a guy approached me.

"T-tristan?" Lasing kong tanong sa kanya.

Bigla nalang akong napahagulgol ng iyak. Sh*t naman kasi, nakakaawa ako, napaka marupok ko, di pako nakakagraduate yet i gave my virginity to Elthon.

Lumapit si Tristan at bigla akong pinatayo sabay yakap.

"Shh don't cry Via"

Yumakap din ako sa kanya sabay hagulgol. Ang huli ko nalang naaalala ay nawalan ako ng malay.

𝙼𝚢 𝙱𝚞𝚕𝚕𝚢 𝙸𝚜 𝙰𝚍𝚍𝚒𝚌𝚝𝚎𝚍 𝚝𝚘 𝙼𝚎Where stories live. Discover now