Alyssa is a famous basketball player, but she doesn't consider it a part of her. She doesn't pay attention to the people around her, but only to one person. while Sam is just a simple student and is afraid to have close interaction with Alyssa.
Alyssa POV
"Ano ba ang hindi mo maintindihan? Bakit ba hindi mo matanggap, huwag ka ng lumapit saakin."
"Teka nga, ako na nga yung lumalapit say-"
"Yun na nga eh." Humarap sya saakin.
"Kung pwede lang, huwag mo na akong lapitan."
"Please lang." Mahinang sabi nya at bago pa man sya tumalikod saakin, I saw how her tears fell on her eyes.Tsaka ko lang napansin na may tao pala sa paligid namin at nagbubulungan ng kung ano ano.
"Alyssa, kanina ka pa hinahanap ni Coach. 4 days ka ng di umaattend ng practice, di ko na alam idadahilan ko." Hindi ko na pinansin si Chie
I punch the wall,
My hand is numb.
No, ako mismo yung walang maramdaman."Huy, ano ka ba! May laban pa tayo 2 days from now!"
"Ang astig talagang tingnan ni Alyssa, sayang lang talaga noh."
"She's so hot."
"Ang arte talaga ni Samantha, akala mo kung sino!""Hoy! Mag sialisan nga kayo dito! Ano toh? Show? Hindi kayo marunong ng privacy? At anong sayang ang pinagsasabi mo? Gusto mo bang ihampas ko sayo yang tambo na hawak mo? At kayong mga babae kayo, huwag na kayong umasa, hindi kayo bibigyan ng atensyon nyan kung ganyang ugali ang pinapairal nyo! Ano pang iniintay nyo? Alis!"
Ano ba ang dapat kong gawin?
Pumunta sa harap ko si Chie, mukhang desmiyado.
"Bakit ba kasi ayaw nya saakin? Ano bang nagawa ko? Ako na nga yung lumalapit sakanya oh, sya lang yung bukod tanging ayaw saakin."
"Kinausap mo nanaman sya? Nako naman Alyssa, kaya nga lumalayo sayo yung tao kasi umiiwas sya sa gulo."
"Hindi ko naman ginust--"
"Ginusto mo man o hindi, wala din syang ibang choice kundi lumayo sayo. Sa totoo lang, dahil sa pinaggagawa mo, pinapahamak mo lang sya. Ayusin mo muna buhay mo, lalo na yung mga die hard fans mong obsess sayo, kulang nalang angkinin ka."
Hindi ko naman gusto ng ganitong buhay.
"Tara na, bago pa tayo mapagalitan ni Coach."
Hinila na nya ako papuntang gym.
Gusto ko lang naman makasama sya.
Malaman nya na seryoso ako sakanya.
Wala naman akong pakealam sa iba,
Sya lang naman yung gusto ko."Ms. Valdez, mabuti naman at maayos na yung pakiramdam mo."
"Pasensya na Coach, hindi na po ako nakapagpaalam ng personal." Naka yuku kong sabi.
"Akala ko ayaw mo ng umattend sa practice, mabuti nalang at nasabi ni Chie yung dahilan mo.*Sigh* ang mahalaga, ayos ka na."
Tumango naman ako.
Hinawakan naman na ako ni Chie at umalis na sa harap ni Coach.
We start to do the warm up.
"Alyssa, maybe it's time to give her time... Huwag mo na muna syang lapitan."
Naalala ko naman yung mukha nya kanina.
Tama na muna siguro...
Ayaw kong nakikita syang nasasaktan.
