#7

1K 23 1
                                    

Alyssa POV

"Maaa hindi nga po kami magkasundo tapos pag sasamahin nyo pa kami sa iisang bahay? Anlabo naman nyaaan" reklamo ko habang nag iimpake sya ng gamit.

"Kelangan ko kasing sumunod sa papa mo, may emergency kasi. Nag usap na rin kami ng tita po tungkol dito."

"Eh, Ma naman, kaya ko naman pong mag isa. Di ko na kelangan ng bantay."

"Alam ko namang kaya mo, pero maganda na rin kung may kasama ka. Aalis din kasi yung parents ni Sam, nag aalala din yun sa anak nila. Kaya napag usapan na lang namin na mag sama kayo."

"Pasama na lang kaya ako sayo ma, mi----"

"Nak, may pasok ka bukas"

Umupo na lang ako sa kama nila papa at niyakap yung unan.

Wala naman na akong magagawa.
Nagkapag desisyon na sila.

She sighed before sitting beside me.

"Ano bang nangyari sainyo? Dati naman sobrang close nyo, na halos hindi na kayo magkahiwalay."

Ma, di ko din alam yung tunay na dahilan,
basta bigla nalang nag iba pakikitungo namin sa isa't isa.

Hindi naman ako sumagot, niyakap nya ako.

"Samula nung hindi na kayo nag usap, di ka na nagkwe-kwento saakin. Dati lagi mong bukang bibig si Sam. Ilang taon na ba yang tampuhan nyo."

Hindi na lang ako umimik.

"Oh sya na, kelangan ko na din umalis at baka matraffic pa ako, hahatid na kita sakanila."

"Ma, wala pa pala akong naiimpa---" tumayo na si mama at lumapit sa dadalhin nyang gamit.

"Nandun sa kwarto mo, kunin mo na lang bag mo dun ng makaalis na tayo."

Wala talagang lusot.

Dahan dahan na akong tumayo at naglakad para tumungo sa kwarto ko.

Teka nga, may susi naman ako ng bahay.

Napangiti naman ako.

Balik nalang ako dito pag nakaalis na si mama.

Nice thinking Valdez!

Pagdating ko sa kwarto, nasa gilid ng kama ko yung bag na dadalhin ko.

"Maaa! Yung uniform ko po ba nandito na din?"

"Oo anaak!"

Pumunta ako sa drawer at kumuha ng jacket at nilagay sa bulsa yung susi.

"Nak, bilisan mo." Narinig ko namang tawag ni mama, kaya kinuha ko na yung maleta at bag na ginagamit ko sa school at sapatos na din.

Tinulungan ko din si mama sa gamit nya.

Nang makapasok ako sa kotse.

"Nak, paki double check nga kung na lock ko yung pinto."

Tumango naman ako at iniwan yung dala kong jacket.

Dali dali akong tumakbo at chineck yung pinto at bumalik na ulit sa kotse.

"Ma, nakalock." Naka thumbs up ko pang sabi.

"Nak, mukhang masaya ka ah kumpara kanina."

"Hindi naman ma, I realized lang po na maybe it's the right time para maging ayos na ulit yung pakikitungo namin sa isa't isa ni Sam."

Samly OneshotsWhere stories live. Discover now