#8

1.1K 35 5
                                        

"Alyssa, crush nga kitaaa"

"Samantha, oo maganda ka... mabait.. maraming nagkakagusto sayo.. pero hindi ako ang para sayo.."

SAMANTHA POV

It's been three months since Ly knew my feelings for her, and of course I got rejected..

But that doesn't mean I gave up.
Alam ko naman simula pa nung una na hindi nya ako gusto.
Napaka opposite kasi nung ideal type nya saakin.

"Oh? Ano? Napagdesisyonan mo na bang itigil na yung kahibangan mo kay Valdez?" Biglang sabi ni Benedix habang busy pa din sa pag type sa laptop.

Ibinaba ko yung hawak kong aklat.

"Duh? Bakit ko naman ititigil? Sabi nga nila, live your life at the fullest."

"Umiiyak naman tuwing gabi."

"Oy! Hindi naman lagi" depensa ko naman.

Tinabi ni Ben yung laptop at tumingin saakin ng seryoso.

"Alam mo, kung gusto mong magustuhan ka ni Alyssa, baguhin mo yung way nang pagsho-show yung 'love' mo sakanya. Sinabi na nga na ayaw nya ng clingy----"

"Listen Ben, I won't change anything. Gusto ko na magustuhan nya ako kung sino ako."

Pumikit si Ben na parang nagtitimpi sya

"Pasalamat ka nalang talaga at medyo mahaba pasensya nun."

"Ben, sa tingin mo kaya nagkakagu--"

"Paano ko malalaman, aber?"

"To naman, di man lang palakasin loob ko."

"Ayaw ko lang na sa huli, mas masaktan ka lalo. Itigil mo na kasi yan hanga't maaga pa."

Alam ko naman na concern lang ito saakin.

"Masasaktan at masasaktan din naman ako, edi itodo na para isahang sakit na lang."

Umiling sya at ibinalik ang atensyon sa ginagawa nya.

"Ang dami namang matino dyan na may gusto sayo, bakit dun pa sa hindi ka gusto. Goodluck na lang talaga sayo."

"Ikaw, ang hilig mong magbigay ng advice, hindi mo din naman maapply sa sarili mo."

"Kaya nga sinasabi ko sayo para di mo maranasan yung naranasan ko."

~~~~~~

"Mag iintay ka nanaman matapos practice nun? Rinig ko hangang mamaya pa sila." Sabi ni Ben habang inaayos gamit nya.

"Oo, hindi ko din kasi sya nakita maghapon."

"Nabalitaan ko kay Anji medyo badmood si Alyssa."

Medyo advantage din na yung bunsong kapatid ni Ben ay naglalaro din ng volleyball, kahit papaano may balita ako kay Alyssa.

"Malay mo, maging good pag nakita nya ako."

"Asa ka naman." Natawa na lang ako.

"Ikaw ba? Pauwi ka na?"

"Nagtext si Alexa, sabay daw kami."

"Asaan si E?"

"May tampuhan siguro."

"Oh, baka masaktan ka din hah"

Alam ko namang may nararamdaman pa din to kay Alexa.

"Mauna na ako, ingat kayo hah." Paalam ko at nagtungo na sa gym.

Nag intay ako sa labas ng gym ng halos isang oras.

Samly OneshotsWhere stories live. Discover now