"Ly, meron akong balita."
Napatigil ako sa paglalagay ng mga binili kong grocery at napatingin sa kanya.
"Diba, alam mo naman yung sumpa ko kuno na laging runner-up lang ak---."
"Oh, ayan ka nanaman eh, para saakin, ikaw an---"
"Shh, para naman tong ewan. I'm used to it na. But guess what? For the first time in the history, ako na ata ang mauuna..."
"Ano ba yang pinagsasasabi mo dyan? Para namang kinakabaha---"
"Mamamatay na ako Ly."
Alyssa POV
"Den ano ba, oo na, mahal ko si Sam!"
"Oh, edi lumabas din yung totoo? So, all this time, ano lang ba ako sayo?"
"Alam mo Den? I tried my best to give everything I can, pero para sayo, kulan---"
"Kasi, puro si Sam yung iniisip mo! Ly ako yung gf mo dito oh."
Gusto kong matawa.
Girlfriend nga ba talaga kita?
Bakit parang hindi ko dama...Tumalikod na ako sakanya.
"Oh? San ka pupunta? Kay Sam na naman?" Hindi ko nanapigilan at tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Aminin mo nga saakin Den, bakit ka nga ba pumayag na makipagrelasyon saakin?" Tumingin ako sakanya at pansin ko na parang nagulat sya.
"Sam and I decided to build distance between us kasi she respected na you are my girlfriend, na I'm in a relationship."
"Den before Sam came in my life, ano ba talagang tingin mo saakin? Diba kaibigan lang? You made it clear na hanggang dun lang..... And I accepted that kahit na nasasaktan ako, kasi mahal kita eh.... higit pa sa pagiging kaibigan. Then I met her... I started to move on, kasi kailangan ko na kalimutan na mahal kita kasi wala naman patutunguhan yun eh... Naging close kaming dalawa and then you suddenly changed... Ibang ibang Denise na, pero binalewala ko lang yun, kasi mahal pa rin kita.."
"Napakabiglaan lang din na... Kung dati, ayaw na ayaw mong pag-usapan yung tungkol saatin kasi sabi mo nga imposible... Bakit biglang nag bago yung isip mo? Ano ba talaga ako sayo Den? Ako ba talaga yung may pagkukulang saating dalawa? Binigay ko naman lahat diba? Halos hindi na kami nag uusap ni Sam, kasi yun ang gusto mo... Sam even blocked me kasi ayaw nya na may maisip kang iba kahit wala naman kaming ginagawang masama... I tried my best not to bring her up, kasi naawa din ako sa kanya, na bakit laging sya yung dahilan ng pag aaway natin kahit wala syang ginagawa. You are the one who continuesly mentioning her name kahit na hindi naman dapat.."
"Sa tuwing magkasama tayo, hindi mawala sa bibig mo ang pangalan ni Sam. Ano bang ginawa nya sayo? Wala na--"
"Inagaw ka nya saakin."
"Inagaw...." Hindi makapaniwalang sagot ko sakanya. Nag iwas ito ng tingin.
"Alam mo ba, Sam is the one who saved me from the misery that you cause... Remember the time when you laugh at my feelings? That moment still haunts me.... Nagmahal lang naman ako eh, hindi mo alam kung gaano kasakit pagtawanan ng taong mahal ko yung nararamdaman ko para sakanya.... But Sam made me realize na it's part of life...and love. Masasaktan at masasaktan talaga, kailangan tanggapin kasi hindi naman lagi umaayon saatin ang tadhana..."
"At ang tanga ko na kalimutan yung sakit na dinulot mo saakin at nagpabulag ako sa nararamdaman ko sayo... Mahal kita, pero nagsisisi na ako..."
"Ly..."
