Chie POV
"Huwag nyo akong pag tripan na dalawa hah. Eh kung hindi ko talaga kayo kilala, iisipin ko talaga na may relasyon kayong dalawa." Hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita.
Paano ba naman sabi movie marathon,
hindi naman romance o horror o nakakaiyak yung pinapanood namin.
Comedy tapos ayun sila at magkayakap!Nakalimutan din ata nila yung part kung bakit namin ginagawa toh.
Guys, broken hearted ako diba?
Remember para saakin toh?"Inggit ka lang eh." Nangaasar pang sabi ni Alyssa.
Pinause ko yung pinapanood namin at napunta sa harap nila. Umayos naman sila ng upo.
Mabuti naman at nakaramdam.
"Sure ba talaga kayong wala kayong nararamdaman romantically sa isa't isa?"
"Ayan ka na---"
"Valdez nagtatanong ako ng maayos hah!"
"Ewan ko sainyo guys." Sabi ni Sam at tumayo na.
"Bukas na lang natin to ituloy, inaantok na talaga ako." Nag unat pa ito bago bumeso.
"Goodniiiight, sunod na lang kayoo" then she left.Ayun, dun sya magaling.
Sa pag takas."Yan, nagtanong ka pa kasi."
"Hah! Kasalanan ko pa talaga? Eh kung hindi kayo umaakto ng parang magjowa dyan, mag tatanong ba ako? Hindi naman ah." Lumipat ako sa tabi nya.
"Umamin ka nga saakin, may feelings ka na ba kay Sam?""Ang kulit mo talaga noh, ikaw ata ang may gusto sa kanya eh." Sabi nito at nag iwas ng tingin.
Pinigilan kong ngumiti dahil sa naisip ko."Ano kasi.. sa totoo lang.. nag seselos ako... Kung wala ka namang nararamdaman para sa kanya, ako meron... I just realized.. maybe the reason why my ex and I broke up. It's because I know deep inside of me, I love someone else... At si Sam yun." Iniwan ko na sya kasi anytime alam kong matatawa na ako.
Oh my gosh, bahala na.
Bakit kasi nagbubulagbulagan sila sa feelings nila sa isa't isa.
Ako yung nahihirapan sakanila eh!Pero ayos na rin yung ganito
At least di ko masyado iisipin yung sitwasyon ko ngayon.
This will be my coping mechanisms.~~~~~~~~
"Babe, can I borrow your clothes?" Normal nanaman na may call sign kami ni Sam.
Kahit ano ngang itawag ko dyan sasagot yan.
"Bakit ka ba nang hihiram Chie, mer---"
"Oo naman, pili ka lang dyan." Gusto kong matawa ng makita ang mukha ni Alyssa.
Ayaw pang umamin,
Wala pa nga akong ginagawa
Eh halang selos na selos na yung mukha.~~~~~~~~
SAMANTHA POV
Hindi ko alam kung dapat bang maging concern ako o matawa dito sa dalawa. Kagabi sa sila eh.
"Sam I made you coffee!" Masayang salubong saakin ni Chie.
"Hindi yan gusto ni Sam, akin na lang yan ako na ang gagawa nung kay Sam."
"Huwag kang panira hah, gumawa ka ng sarili mong kape."
"Salamat" sabi ko pagkatangap kong kape.
