Naisipan ni Samantha na dumaan muna sa Café pagtapos ng kanyang trabaho.Nag hanap ng mauupuan si Sam matapos nyang umorder.
Nang makahanap ito ay, nag ring naman ang phone nya. Agad naman nya itong sinagot.
"Sam, nasan ka?" Bungad ng kaibigan nya sa kabilang linya.
"Sa Café, malapit lang sa unit natin." sagot naman nito.
"Kailangan mo ng kasama?"
Hindi agad nito nasagot ang kaibigan kasi naagaw ng atensyon nito ang taong pumasok sa café.
"...Samber??"
"Huh? I mean, hindi na. Magpahinga ka na lang dyan alam kong pagod ka. Pero are you craving something? Mag te-take ou--"
"I'm good. Mag luluto na lang ako dito pero sure ka na di mo na kailangan ng kasama?"
"Ayos lang ako. Uwi na lang ako agad ako, naisipan ko lang talaga tumambay dito bigla."
"Sige, sabi mo yan hah. Intayin na lang kita."
In-end na nya ang tawag ng dumating na yung kape at isang slice ng cake nya.
Kinuha nya yung pocket book nya at nag simula na mag basa.
Gusto lang nya mag relax. Hindi naman sa hindi nakakarelax sa unit nila, gusto lang nya mabago yung ambiance nya. Ang napupuntahan lang nya kasi ay sa trabaho at bahay.
Wala pang isnag minuto ay biglang
"Miss"
Nag angat ito ng tingin at nakita ang babaeng pumasok kanina.
Lumingon pa si Sam sa paligid para masigurado kung sya ba talaga ang tinatawag nito.
Narinig ni Sam ang marahan na pagtawa nito kaya bigla syang namula.
"Ikaw nga miss, gusto ko lang sana magpaalam kung pwede ba akong maki-upo, wala na kasing ibang pwesto."
"A-ah, oo naman."
"Salamat."
Tumango si Sam bilang sagot at itinuon ang atensyon sa pag babasa ngunit hindi mapigilan ang sarili na tingnan ang babaeng nasa harap nya. Mga ilang minuto ang lumipas, umayos si Sam ng upo at napagpasyahan na itigil na lang ang pagbabasa at tapusin na lang ang pagkain. Iniisip na lang nya ay kailangan na agad nyang umuwi.
Natigilan sya sa pag nguya ng cake nang marinig nya ulit ang tawa ng babae.
Hindi na sana nya ito papansinin ngunit biglang naramdaman nya ang pag init ng mukha nya nang biglang.
"You look cute."
Hindi nakapagsalita si Sam dahil biglang dumating yung order nito.
Pinilit ni Sam na ikalma ang sarili. Kahit sya ay hindi alam ang nangyayari sa sarili nya.
Sanay naman syang makatanggap ng complement, pero bakit bakit may iba syang nararamdaman ng bigla syang sabihan ng cute ng babaeng nasa harap nito.
Pilit din nyang kinukumbinsi na baka dahil hindi nya kakilala ito."Sorry hah, naiilang ka ba? May umalis na dun, pwede na akong lumip--"
"Hindi-- I mean, ayos lang. You're not doing anything wrong naman. It's fine."
Samantha mentally face palm herself, thinking she sounds desperate na hindi paalisin ito.
"That's good to know." Uminom ito ng kape nya. At parang biglang gusto ni Sam mag sisi nang biglang ngumiti ito sakanya pagkababa nito ng mug.
