Alyssa POV
"Besh, long time no seeee, and it's nice to see you again. Sam, thank you sa pagpilit dito." salubong saakin ni Ella nang makarating kami sa resort.
Buti nalang talaga na kay Jordan toh,
hindi masyado masakit sa bulsa ang ambaganan.
Yumakap ito saamin.
Kinuha ko yung ibang gamit namin ni Sam.
"Nasaan na pala sila?" Tanong ko, pero hindi sumagot si Ella kaya tumingin ako sa kanya at nakitang tangaytangay na nya si Sam papasok sa rest house.
"Oy! Ako yung una mong naging kaibigaaan! Babeeee!"
"Hayaan mo yan Sam, kaya na nya yan." Rinig kong sabi ni Ella at nag tuloy tuloy lang sila, lumingon saakin si Sam na parang hindi nya alam kung ano ang gagawin nya.
Ngumiti lang ako sakanya at pinabayaan ko na.
Saakin pa rin naman yan mamaya.
Sumunod na ako, nakita ko silang nasa may salas.
Ang saya lang din tingnan na kahit hindi nila masyado nakakasama si Sam eh close na rin sila sa kanya.
Nag tama ang tingin namin ni Sam, tatayo na sana ito.
"Babe, it's fine kaya ko naman, dito ka na muna." Pag pipigil ko dito.
Nag hiyawan at palakpakan naman sila.
"Yes Ate Ly! Tamang behaviour!" Rinig na rinig na sabi ni Bea.
"Ewan ko sainyo! Aminin nyo na na inimbita nyo lang ako dito para makasama nyo si Sam!" Pabiro kong sabi na parang nagtatampo bago sila iniwan.
Nag tawanan lang sila.
Nadaan ko si Sam kaya kiniss ko na din yung ulo nya.
"Pag may nangulit sayo dito sumbong mo agad saakin hah, kokotosan ko kaagad." Natatawang tumango naman ito.
Kita kong napa facepalm si Jia na nasa tabi ni Sam.
"Te Ly, ilagay mo na yan dun sa kwarto nyo, may nakalagay na dun na pangalan nyo nila Ate Sam tingnan mo na lang." Sabi pa nito.
"Bea may naiinggit dito oh!" Nag lakad na ako palayo nung makita kong kinuha nya yung unan.
Iniwan ko na muna sila at hinanap na yung kwarto namin ni Sam.
Natawa ako bigla nung nakita kong may pangalan din ito ni Chie.
Naalala ko bigla yung pulang pula ang mukha ni Chie at Eian nung sinabi kong sama sila sa kwarto. At dahil din dun, muntik na din kami sanang hindi matuloy.
Inilagay ko lang muna yung gamit namin sa gilid ng kama at umalis na, sakto naman na nag bukas din yung pinto nung medyo right sa tapat.
"Oh, Den" bati ko dito ng nakangiti. Parang nagulat pa ito nung una.
"Ly, kanina ka pa?"
"Medyo, nasa baba si Sam kasama sila Ella, papunta na din ako, ikaw ba?"
"Ah...oo"
"Sabay na tayo" yaya ko dito, tumango naman ito kaya inintay ko na muna sya bago kami mag lakad.
"Ly.."
"Hmm?"
"..sorry pala nung nakaraang linggo, hindi ko na--"
"Hep! Ayos lang yun, ano ka ba." Nakangiti kong sabi sakanya.
Ngayon lang din kasi kami nag usap matapos nung nagpasundo sya.
"Pero sa susunod, kung may problema ka, nandito naman kami, mag sabi ka samin... Tulad nung dati, ganun pa rin naman tayong lahat, busy man tayo sa sariling buhay natin, syempre kaibigan mo pa din kami noh."
